Sa ibang bansa meron silang tax income sa mga bitcoin or altcoin users, pero sa atin wala pa.
Sa pagkakaalam ko, meron silang form na ipinapasa at ikaw lahat maglalagay ng sarili mong tax, medyo mahirap kung dito sa atin, pero sa kanila pangkaraniwan nalang yan. May mga nakukulong sa kanila dahil sa tax evasion at di pangkaraniwang ang parusa dipende kung gaano kataas ang di mo nabayarang tax, merong method ang gobyerno nila at hindi nila alam kung ano kaya hindi talaga nila maiiwasan ang kanilang taxes. Kaya sa palagay niyo kailan kaya magkakaroon ng ganitong proseso sa ating bansa?
Swerte nating bitcoin users sa pinas dahil tamad ang mga gobyerno at wala tayong babayarang income tax sa paggamit ng bitcoin, at hindi nanakaw ng mga politiko ang pera natin at gagamitin sa walang katuturan na bagay.
LOL hindi ako nagbabayad ng income tax kasi hindi naman "regular" yung job ko at nasa informal economy ako. Pero malabo rin kasi yang ikaw pa ang magfifill-up ng mga form dahil masakit sa ulo at possible naman talaga na honest mistake na may mga hindi ka maideclare.
Alam ko sa atin wala talagang tax ang paghold ng bitcoin at tama lang naman. Medyo speculative kasi yun eh.
At saka paano kung meron ka lang
BTC1 at hindi mo ginagalaw, hindi mo dinadagdagan, hold lang. Itatax ba nila yun? Paano yung rate kung taas-baba ang palitan?
Ngayon napag-usapan na natin to, taxable ba ang mga savings sa bangko? I mean, ni wala na ngang interes yun eh. Tulog mantika lang yung pera mo dun, walang ginagawa at hindi ka kumikita.