Mga kababayan sa mga hindi pa nakaka alam at mag ma maang maangan.
PYRAMID
ang business model ay manghikayat ng bagong investor na magbabayad na walang
pisikal na produkto at nababayaran ka sa bawat myembro na mag iinvest at kumita sa pairing at leveling bonus.
PONZI
ang business model ay mangagako ng malaking interest 300%-400% kada 30 days, 40 days at gagawin mo lang ay manghikayat din ng bagong myembro na mag iinvest at sila na bahala sa pera mo sa pag invest sa trading/advertisement/ o ibang uri ng pagnenegosyo na wala kang gagawin kundi antayin ang pera mo na lumago basta manghikayat ka lang ng manghikayat na walang kapalit na pisikal na produkto.
Sa mga dipa naka panood sa video sa page 2 ng thread na ito tignan nyo mabuti
Isang lolo Mani ang nagpropromote ng
Pyramid Scheme.RED ALERT!!!1. Pinagtangol na underconstruction pa ang site. Anong buwan na at magpapasko na! Wala pa ding About Us, Terms of Use, Privacy Policy, Contact Details (kasi hindi daw ito kumpanya)na pag clinik mo ang link ng Terms at Privacy ay iikot lang sa homepage.
2. Ginawan pa ng bugtong na wala namang sense at kinalaman sa business model ng pluggle kahit pa tumambling ka sa upuan mo ngayon.
3. Kinumpara pa ito sa stock market at considered na
paper loss daw yung 1300 kapag dimo pa mailabas kapag dika nakaimbita ng sasali at magbabayad din ng 1k na walang kapalit na pisikal na produkto.
"ang stock market pag nag invest ka ay may shares ka sa kumpanya at may dividendo pa pag hinawakan mo ng matagal. kapag man ang shares mo ay mababa ang presyo sa merkado ito ay paper loss hanggat hindi mo binebenta, kapag binenta mo man may babalik pading puhunan sa iyo."
-ang pluggle hindi mo yan mabebenta para may bumalik sayo na puhunan kundi mapipilitan kang magrecruit para mabawi ito-
4. Binabayaran ka daw ng advertisers kapag bumisita ka sa pluggle at nag log in, kagaya daw ito sa tv na nanghihikayat ng advertisers kapag marami nanuod sa isang channel at itong mga stations na ito sinisingil nila mga advertisers ng fee!
-Nalito ka ba dun? Eto ha siningil ka ba ng mga advertisers at tv stations kapag nanuod sa kanila? Hindi diba! E bakit sa pluggle bumisita ka at nag log in ikaw pa ang nagbayad at wala kapang nakuhang pisikal na produkto, akala ko ba binabayaran sila ng advertisers?
5. Kung di nyo pa nahuli, si lolo Mani ang may ari sa onenegosyo.com tignan nyo dito na
link. na sya mismo naka advertise sa homepage ng pluggle, ang galing di ba?
Ngayon kapatid masaya ka ba na kumita ng limpak limpak na salapi na galing sa bulsa ng iba na pinaghirapan din nila, na alam mo sa sarili mo na hindi sila kikita kapag wala sila marecruit na iba.
Bossing SEC registered daw legit! Hindi porke SEC o DTI registered pa yan kung yung business model nito ay babagsak sa nabanggit sa taas na Pyramid at Ponzi ay umiwas na dito.
At kapag DTI man kahit sino madali kumuha nyan online basta may pambayad online, duda ka? subukan mo kabayan pumunta at magregister at magbayad ka online at meron ka ng DTI Certificate.
Imbes na maging huwaran si lolo at ituro sa kabataan ang tamang pamamaraan ng pagnenegosyo nakuha pa nyang magturo ng Pyramid Scheme at mga kabataan pa ang nagturo sa kanya kung ano ang Ponzi at Pyramid.
Ok na sana kung may kasamang sampung Rexona Deodorant spray na magamit man lang sa kilikili para mapakinabangan kaso wala, ung activation code ba mabebenta nyo kapag nagsara sila? kahit pa sa divisoria nyo yan ibenta wala kayo mapapala.
Kung ibinili nyo nalang ito ng 3 in 1 na icecream natuwa pa sana mga kapatid nyong bulingits.