|
August 04, 2017, 01:28:53 AM |
|
Maraming legit sites sir na pwede kang makakuha ng free bitcoins, nariyan na halimbawa ang faucets, PTC and offer walls, GPT post forums, paid to captcha, paid to view ads, paid to read, paid to advertise, paid to survey, giveaways, at mga simple raffles at lotteries. Kailangan mo lang suriin mabuti kung alin sa kanila ang talagang kikita ka at syempre kung alin ang talagang masasabi nga na lehitimo. For faucet, trusted na ang site ni mexicantarget na FaucetHub. Mayroon po diyan list ng top paying faucets, mula sa Bitcoin to Peercoin. Gawa ka lang wallet mo tapos i-register mo sa kanila at pwede ka ng magstart magclaim doon sa list ng kanilang faucets. Pagdating naman sa PTC and offer walls, PaidVerts at BitGames ang dalawa sa trusted na nag-o-offer niyan. Pwede kang mag-claim sa kanila sa Persona.ly, Wannads, Peanut Labs, OfferToro, Tapresearch, Arkadium Games, MinuteStaff, etc. Yan yung mga site na may partnership sila kung saan pwede kang kumita ng bitcoins sa pagkumpleto lang ng kanilang tasks. Sa giveaways naman, madami po yan sa Twitter. Karamihan sa mga nag-o-offer niyan sa nasabing social media site ay mga traders. Type mo lang yung "Bitcoin Giveaway/s" at marami na po doon maglalabasan. At panghuli sa paid to advertise, gawa ka lang po ng blog at gamit ka ng mga ad revenue networks na nagbabayad ng bitcoins. A-Ads ang isa sa mga matatagal ng network na nagbabayad ng bitcoins sa mga gustong maglabas ng kanilang ads sa kanilang site. Check mo nalang po ang mga yan at baka makatulong po sa'yo sir.
|