Patuloy na nababawasan ang post count ko and nakakaapekto na ito sa bilang ng paid post ko sa signature campaign.
Wala naman akong nakukuhang notice na na delete ang post ko, kaya di ko alam kung ano ang dahilan ng patuloy na pagbawas ng post count ko.
Sana matulungan niyo ko ng sa gayon hindi ko na kailangan mag-alala.
Huwag po kayong mag-alala pre dahil hindi ka lang nag-iisa na nababawasan ang post, pati rin kami. Ang totoong dahilan po kasi ng pagbawas ng post ng hindi namamalayan ay dahil ang thread na pinostan mo ay nadelete so pati post ay madadamay rin. May bagong patakaran na kasi sir Dabs na kapag hindi tungkol sa bitcoin pinost ay madedelete kaya yung mga thread noon na hindi tungkol sa bitcoin ay madedelete talaga.