Kung ikaw ay naging isang milyonaryo o naging successful sa pamamagitan ng pag BIBITCOIN, anu ano ang mga business na iyong ipapatayo? Gusto ko lang makakuha ng idea at sa makakabasa narin nito, para kung sakaling dumating tayo sa puntong milyonaryo na tayo alam na natin kung anung business ang ipapatayo natin na siguradong magtatagal, hindi yung kung kelan milyonaryo na tayo saka palang tayo mag iisip kung anung magandang business, sa tulong at idea nyo malalaman natin kung anu ano ang mga business ngaun na patok at siguradong pang habang buhay na ito. we need to become POSITIVE thinker kahit nasa mababa o nag uumpisa palang tayo. Alalahanin natin kaya lahat tayo nandito sa BITCOIN ay gustong magkaron ng maganda buhay at yumaman.
Kapag naging milyonaryo na ako nang dahil dito sa Bitcoin, ang unang una kong ipapatayo o ifrafranchise na business ay patungkol sa pagkain gaya ng Jollibee, 7/11, Mang Inasal, Chowking, Mcdonalds at iba pa. Pero bakit nga ba pagkain? Pagkain dahil lingid naman sa ating kaalaman na ito talaga ang patok na patok ngayon at kailanman ay hindi mamamatay na negosyo. Pangalawa naman ay magbubuy and sell ako ng mga gamit tulad ng damit, phone accessories, sapatos, bags, etc na manggaling pa sa iba't ibang bansa. At pangatlo bilang panghuli, magpapatayo o magfrafranchise din ako ng drugstore. Ilan lang yan sa mga negosyong gusto kong ipatayo kapag naging milyonaryo na ako. Walang imposible sa bitcoin, kaya panigurado lahat nang yan ay maisasakatuparan basta't may sipag at tiyaga lang.