Kung halimbawa may 500 pesos ako sa coins.ph saan maganda ilagay sa php wallet or sa btc wallet?
Kung di mo naman gagamitin agad ang pera mo mas maganda na sa bitcoin mo siya ilagay.
Ano ang advantage? Pag ang BTC papalo na sa mataas na amount na profitable na siya ibenta then maswerte ka dahil pwedeng maging doble or even triple yang pera mo.
Para din kasing investment ang Bitcoin wallet kasi ang value niya ay hindi stable pero ang negative side diyan ay dapat handa ka rin sa posibilidad na maaring malugi ka rin pag bumagsak ang value ng Bitcoin. Kaya ang pagsabak sa bitcoin, dapat handa ka sa anumang mangyari either manalo or matalo at dapat malaki ang tiwala mo bitcoin para wala kang pagsisihan sa huli.