Hi. Help naman guys.. Next year plano namin ng asawa ko mag open ng business na bayad center using coins.ph..Gusto ko lang malaman kong may nagtry na ba nun dito and ano yung pinaka best na advice ang pwede nyo maibigay samin. Thanks
Base sa experienced ko, for personal use ko lang nagamit ang pagbabayad ng bills gamit and coins.ph. Although legit siya un nga lang walang resibo talaga pero siguro pwede mong subukan yan sa mga kapit-bahay mo muna o kapamilya (sabihin mo sa kanila sa inyo na lang sila magbayad at ikaw na magpaprocess) once nasimulan mo yan sa maliit na step and my proof kana galing sa ibang tao, possible matupad yang business mo thru word of mouth ng mga previous na providan mo ng service mo.
Balitaan mo ako kapag naging success ang business mo at matatayo din ako ng branch Hahaha