may sindikato sa facebook, group sila ng mga scammer na paulit ulit nag tatayo ng mga ponzi groups para makahikayat ng mga baguhan. aakitin nila yung mga bago na mag invest tapos malaki yung ROI, shempre yung mga baguhan matatakam kasi malaki yung ROI nila and sa maiksing panahon lang. after nila maka unang payout, tatakbo na sila kapag may mga nag reinvest na tapos ulit lang sa umpisa, mag tatayo ulit ng bagong group. Paulit ulit lang sila pero iniiba lang nila pangalan nung mga Founder na ginagawa nilang dummy acc. kaya wag mag pa akit sa malaking roi sa maiksing time frame, check nyo muna kung good to be true ba. share ko lang
Lagi ko nga silang nakikita sa facebook ay panay ang pakita nila ng pera dahil daw sa kita sa pag-invest ng bitcoin sa kanilang sistema, piro ang lahat ito ay scam! iwan ko lang kung ilang tao na ang na-scam nila! sumasabay talaga ang mga manloloko sa kasikatan ng bitcoin ngayon kaya ingat nalang lage tayo lalo na sa pag-invest.