Bitcoin Forum
May 06, 2024, 06:22:51 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1]
  Print  
Author Topic: [Fil-ANN][ICO] CoinPennant - Platform to manage, track and analyse crypto assets  (Read 188 times)
arwin100 (OP)
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 2730
Merit: 806


Jack of all trades 💯


View Profile WWW
October 18, 2017, 03:59:56 AM
Last edit: November 18, 2017, 03:07:48 AM by arwin100
 #1

CoinPennant





Ang platform ng CoinPennant ay magpapakilala ng isang social network kung saan ang mga trader at analyst ay maaaring magtulungan nang mas mahusay. Batay sa mga subskripsyon, ang mga analyst ay makakapagbigay sa mga trader ng impormasyon sa mga pagkakataon sa pangangalakal. Bukod pa rito, ang CoinPennant ay awtomatikong magsasagawa at magsusuri ng mga pattern sa tsart at magti-trigger ng mga signal sa mga subskriber.

Ang aming mga layunin ay:

Teknikal na pagsusuri – Magsagawa ng teknikal na pagsusuri sa ilang mga cryptocurrency upang magbigay ng mga prediksyon tungkol sa kanilang mga halaga sa hinaharap.

Isa sa mga paraan upang matukoy ang halaga ng isang cryptocrurency ay upang pag-aralan ang trend ng halaga nito. Ang teknikal na pagsusuri ay isang pamamaraan upang mag-forecast ng direksyon ng presyo sa pamamagitan ng pag-aaral sa nakaraang data sa market, unang una ang presyo at dami. Gumagamit ito ng mga tsart, makasaysayang data at iba pang mga tool ipang malaman ang mga pattern na magagamit bilang batayan para sa mga desisyon sa pamumuhunan.

Ang mga pamamaraan na ito ay nagmula sa mga pinansyal na pamilihan kung saan ang kanilang paggamit ay isang pangkaraniwang kasanayan at ang kanilang kinalabasan ay mahalaga sa mga trader at investor.

Ang platform ng CoinPennant ay regular na makakabuo ng mga teknikal na pagsusuri sa ilang mga cryptocurrency at awtomatikong magbibigay ng impormasyon tungkol sa kanilang mga trend sa bawat subskriber. Ang bawat pagsusuri ay grapikal na ipinapakita. Ang detalyadong dashboard ay magbibigay ng makasaysayang pananaw sa lahat ng pagsusuri.

Ang isa sa mga pagsusuri ay ang awtomatikong pagpapasiya ng mga linya ng suporta sa mga tsart. Kikilalanin ng platform ang paggalaw ng mga tsart patungo sa linyang iyon. Ang ilang karagdagang mga tagapahiwatig ay ipapakilala (hal. RSI, MACD, Moving Averages, volume) upang maging mas tiyak tungkol sa potensyal na bounce ng tsart. Maraming iba pang mga tagapahiwatig at mga pattern ng tsart ang ipapakilala sa pamamagitan ng lifecycle ng mga proyekto, batay sa isang inkremental na diskarte. Ang lahat ay tutulong sa amin na makuha ang karaniwang hangarin, upang ma-trigger ang notipiskasyon sa potensyal na paparating na pagbabago sa estado ng merkado.

Social Network – Ang isang social network ay magbibigay daan sa mga trader at investor upang magtulungan at malaman ang pinakamahusay na pamumuhunan.

Ikokonekta ng isang social network ang mga analyst at trader upang magtulungan sa isang episyenteng paraan. Gumagamit ang CoinPennant ng ilang mga diskarte upang malaman ang mahusay na mga kalakalan. Ang hinahanap ng mga trader sa isang dalubhasa ay regular na komunikasyon at maaasahan na pagkakakilanlan sa mga kapaki-pakinabang na pamumuhunan. Ang feedback sa mga signal ay posibleng nangangahulugan na kung ang analyst ay gumawa ng isang pinakinabangang pamumuhunan, ito ay madaling  malalaman at mabibigyan ng rate. Ang mga sinungaling at mayayabang ay mabilis na makikilala at mawawala ang kanilang mga tagasunod.

Copy trading – Ang mga gumagamit ay maaaring mag-subscribe sa mga notipikasyon tungkol sa prediksyon sa mga oportunidad sa pamumuhunan.

Papayagan ng aming social network ang mga analyst na ipaalam sa mga trader ang kanilang mga pamumuhunan – copy paste na kalakalan. Ang copy trading ay halos kasing simple ng kung pano ito bigkasin. Kung nakakita ka ng isang tao na kung saan ang kanilang mga pamumuhunan ay napabilib ka o kinagigiliwan mo, kopyahin mo sila. Kapag ang isang analyst – na sinusunod mo at pinagkakatiwalaan – ay nag-invest sa isang asset ng crypto, maaari mong kopyahin ang kanyang pagkilos. Mayroong ilang mga benepisyo para sa mga bagong trader mula sa pamamaraan na ito. Ito ay isang pagkakataon para matuto mula sa mga taong may napatunayang track record, binabawasan nito ang pangangailangan na subaybayan ang iyong sariling portfolio nang manu-mano at pinapayagan nito ang lahat na pag-iba-ibahin ang kanyang mga pamumuhunan.

Marketplace – Ang modelo ng negosyo na batay sa subskripsyon ay magpapahintulot sa gumagamit na makuha ang pinakabagong impormasyon tungkol sa napiling cryptocurrency mula sa mga analyst at mga resulta ng teknikal na pagsusuri.

Importane na makakuha ng overview sa estado, kalakalan at mga pagkakataon sa pamumuhunan para sa iyong mga paboritong asset ng crypto. Ima-maximize ng social network ang iyong mga posibilidad sa pamumuhunan sa pamamagitan ng pagsasama ng impormatibong dashboard ng marketplace. Magbibigay ito sa inyo ng impormasyon tungkol sa mga nangungunang trader, kasalukuyang cryptocurrency ng kalakalan at iba pang mga trend. Ang marketplace ay mag-aalok ng posibilidad na mag-subscribe sa iba’t ibang uri ng mga notipikasyon.

Nag-aalok ang CoinPennant ng modelo ng negosyo na batay sa subskripsyon. Ang mga trader ay maaaring pumili sa pagitan ng iba’t ibang mga analyst at mag-subscribe sa chartpattern na nakabatay sa signal ng pamumuhunan para sa mga napiling cryptocurrency. Ipapaalam ng platform sa mga kontribyutor ang lahat ng mga signal sa pamamagitan ng mobile text message, e-mail, mobile app o push notifications. Ang lahat ng mga subskripsyon ay ibabatay sa bagong ipinakilalang cryptocurrency.  

Mga Subskripsyon – Pagpapakilala ng isang bagong cryptocurrency upang pangasiwaan ang mga subskripsyon.

Ang mga pagbabayad para sa lahat ng mga subskripsyon ay suportado ng isang bagong ipinakilalang token ng cryptocurrency.



Target na mga gumagamit


Ang CoinPennant ay magbibigay ng mga bagong oportunidad para sa mga analyst at mga trader

Mga Analyst

Ang mga analyst ay magbibigay sa mga subskriber ng impormasyon sa mga market ng cryptocurrency gamit ang kanilang kadalubhasaan kadalasan upang pahintulutan silang magsagawa ng copy trading at mga rekomendasyon sa kalakalan.
Lahat ay maaaring makapagtukoy ng kanilang crypto-portfolio upang magbigay ng mahalagang impormasyon tungkol sa kanilang mga serbisyo sa mga potensyal na subskripsyon mula sa mga trader.

Mga Trader

Ang mga trader ay maaaring mag-subscribe sa mga feed ng mga analyst. Ang platform ng CoinPennant ay magbibigay-alam sa kanila sa mga signal sa kalakalan na inisyu ng mga analyst. Ang mga review at feedback sa mga analyst ay magiging posible at gagawing publiko, kaya maaaring mapili ng mga trader ang tamang package ng subskripsyon para sa kanila. Pangalawa, magagawa nilang mag-subscribe sa pang-araw-araw na teknikal na pagsusuri sa mga napiling cryptocurrency dahil awtomatikong nagsasagawa ang sistema.



Ang CoinPennant ay isang collaborative na platform para sa mga trader at mga analyst, na nagpapahintulot sa kanila na malaman ang mga perpektong oportunidad sa kalakalan.


Ang CoinPennant ay magbibigay ng ilang mga posibilidad para malaman mo ang mga oportunidad sa pamumuhunan sa hinaharap. Ang platform ay magbibigay ng isang customizable overview ng pamamahala ng lahat ng mga asset ng crypto para sa mga subskriber. Ang mga analyst ay bibigyan din ng overview ng pamamahala ng lahat ng kanilang mga subskriber, mag-aalok ito ng advance na dashboard ng messaging system at detalyadong overview sa kanilang mga paboritong cryptocurrency.


Kung saan nakikita namin ang Problema


Ang market ng cryptocurrency ay labis nang lumaki sa mga nakalipas na taon. Maraming mga coin ang available sa market at maaari tayong umasa na may higit pang mga solusyon sa blockchain at mga pinagbabatayang cryptocurrency sa hinaharap. Para sa investor o trader ang isang pagsusuri ng merkado ay magiging mas kumplikado at nakakaubos ng oras. Na ginagwang praktikal na imposible ang isang teknikal na pagsusuri para sa libu-libong mga cryptocurrency. Bukod dito, ang pamumuhunan sa mundo ng cryptocurrency ay magiging mas mahirap para sa isang ordinaryong mamumuhunan at ang desisyon sa kung anong coin ang pipiliin ay magiging sobrang kumplikado.



Ang Aming Solusyon


Ang sistema ng CoinPennant ay nag-aalok ng pagsusuri ng cryptocurrency at isang social na platform para sa mga mamumuhunan, trader at analyst. Ang layunin ng platapormang ito ay upang makapagtatag ng isang kooperatibong kapaligiran kung saan ang mga stakeholder ay maaaring magdesisyon tungkol sa pamumuhunan o mga oportunidad sa pangangalakal batay sa opinion ng ibang mga kalahok at mga pattern at katunayan na nakita ng kompyuter. Ang platform ay binubuo ng tatlong pangunahing bahagi:

Pag-aaral ng pattern ng tsart

Pag-aaralan ng platform ang mga cryptocurrency at ipapaalam sa iyo kung may anumang pattern ng tsart ang natuklasan.

Mga indikasyon sa kalakalan

Makakatangap ka ng impormasyon tungkol sa mga paggalaw sa merkado (mga pagbabago sa volume, malaking pagbabago sa presyo sa merkado etc)

Social platform para sa mga analyst at trader

Magagawa mong kopyahin ang ibang mga trader o maging isang analyst at mag-alok ng iyong mga tip sa iba.



ROADMAP


MILESTONE #1 - Q4 2017

ICO
Minimal na nakikitang produkto
Mga basic na tagapagpahiwatig ay kasama (e.g. makabuluhang pagbabago sa presyo)

MILESTONE #2 - Q1 2018

Basic na pagkilala sa mga pattern ng tsart batay sa data ng isang platform ng palitan

MILESTONE #3 - Q2 2018

Basic social network
Karagdagang pinahusay na pagkilala sa pattern ng tsart para sa tiyempo sa merkado
Overview ng portfolio

MILESTONE #4 - Q3 2018

Pagsasama ng ilang mga platform ng palitan upang makapagbigay ng mas tumpak na mga resulta sa pattern ng tsart
Suporta sa subskripsyon na isinama sa social network

MILESTONE #5 - Q4 2018

Pinalawak na functionality ng social network
Functionality ng Copy trade
Magbigay ng API para sa integrasyon ng B2B at awtomatikong komunikasyon sa mga panlabas na partido

MILESTONE #6 - Q1 2019

Mga trending na asset
Supported comparisons between investors for easier investment decisions

MILESTONE #7 - Q2 2019

Implementasyon ng mobile app na may suporta para sa social platform



Pagbebenta ng Token


Ang CoinPennant ay nagbebenta ng mga CPT token sa panahon ng pagbebenta ng token.

Petsa ng pagsisimula: TBA
Petsa ng pagtatapos: TBA
Price: 3000 CPT para sa 1 ETH (dinamikong ina-update ang mga presyo, depende sa presyon ng ETH)
Tinatangap na mga pera: ETH

Mga detalye ng Distribusyon
Ang mga token ng CPT ay ibibigay sa platform ng Ethereum bilang isang ERC20 token ng smart contract. Ang mga token ng CPT ay ipamamahagi agad sa oras ng pagbili sa pamamagitan n gaming Ethereum smart contract.



Distribusyon ng Pera



55% ng naipong mga token ay gagamitin para sa mga operasyon ng platform ng CoinPennant para sa susunod na 1,5 na taon. Kabilang dito ang pag-unlad, pangangasiwa, pagmemerkado, pinansyal at legal na pagkonsulta, atbp.
11% ay gagamitin upang bumuo ng isang detalyadong plano sa negosyo. Kabilang ditto ang pagpopondo ng estratehikong pagpaplano at suporta sa proyekto.
10% ay ipamamahagi sa mga founder at sa inisyal na grupo ng pagpapaunlad para sa kanilang mga pagsisikap, mga resource, at mga teknolohiya na nakatulong sa pagpapaunlad.
10% ay gagamitin para sa pagmemerkado, programa ng bounty at PR.
9% ay ipamamahagi sa mga naunang backer at mamumuhunan.
5% ay ipamamahagi sa mga unang sumaling mga analyst sa platform.



Kumita ng CPT


1715019771
Hero Member
*
Offline Offline

Posts: 1715019771

View Profile Personal Message (Offline)

Ignore
1715019771
Reply with quote  #2

1715019771
Report to moderator
The forum strives to allow free discussion of any ideas. All policies are built around this principle. This doesn't mean you can post garbage, though: posts should actually contain ideas, and these ideas should be argued reasonably.
Advertised sites are not endorsed by the Bitcoin Forum. They may be unsafe, untrustworthy, or illegal in your jurisdiction.
arwin100 (OP)
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 2730
Merit: 806


Jack of all trades 💯


View Profile WWW
October 18, 2017, 04:01:48 AM
 #2

COINPENNANT OFFICIAL ANN THREAD


COINPENNANT OFFICIAL BOUNTY THREAD


arwin100 (OP)
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 2730
Merit: 806


Jack of all trades 💯


View Profile WWW
November 18, 2017, 03:09:21 AM
 #3

Ang Token Sale ng CoinPennant ay Hindi natuloy sa petsang naka schedule para dito at pinag-uusapan pa ng dev's team kung kailan ito tuluyang magaganap. Para makasagap ng pangunahing balita dito bisitahin ang kanilang main thread at makipag diskusyon direkta sa dev at itanong ang inyung katanungan.

arwin100ALT
Newbie
*
Offline Offline

Activity: 210
Merit: 0


View Profile
December 05, 2017, 08:11:38 AM
 #4

Isang interesanteng artikulo na galing sa coinpennant.

basahin ito.

https://medium.com/coinpennant/coinpennant-advisor-announcement-3d0aae3bc331

Credits: Coin Pennant dev's team.
arwin100ALT
Newbie
*
Offline Offline

Activity: 210
Merit: 0


View Profile
December 30, 2017, 05:20:28 AM
 #5

Naghahanda kami ng espesyal para sayo.  Wink

https://i.imgur.com/KQDrwEg.jpg

Credits: Coinpennant Dev's team.
Pages: [1]
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!