Ilang araw na ako nagbabasa at nag sesearch kung hanggang saan ba talaga ang limit ng mga newbie rank, Pag newbie rank ba kami bawal kami mag reply sa topic na nasa Bitcoin Discussion, Market Place at iba pang forum section. Natatakot kasi ako baka sa isang maling reply even related naman sa topic na pinag replyan ko ay ma ban yung account ko. Hanggang Local Section lang ba kaming mga newbie hanggang hindi kami nag rarank up papuntang Jr member?
Kahit saan naman pwede ka mag comment, post or reply basta related sa topic o may kabuluhan ang mga post mo at hindi mo nilalabag yung rules ng forum. ang alam ko lang ay hindi ka makakapag-post ng images kapag newbie pa lamang.