Mag-share naman kayo ng opinyon nyo tungkol dito.
Balak ko kasi mag-mining sa probinsya namen kaso hindi ko alam kung altcoins or bitcoin ba ang maganda kase kung bitcoin kailangan ko ng ASICS pero mas madaling gamitin ito kaya lang konting coins lang daw ang mama-mine kase nga ginawa ito para kay bitcoin.
Kung Altcoins naman kailangan ko ng mining rig at kung ikukumpara sa ASICS mas teknikal ang pag gawa neto dahil kailangan pa ng ram,ssd, casing, etc. Pero ang maganda iba't-ibang altcoins ang pwede mong imine.
May nababasa kong nagma-mine din dito kaya ano pong masasabi nyo?
Saan mas malaki ang kita? At Magkano kaya ang magagastos?
Mataas ang initial investment cost at matagal ang return of investment, in short, hindi siya praktigal gawin dito sa Pilipinas. Kung libre ang kuryente pwede siguro pero saan ka naman makakakuha ng libreng kuryente dito sa Pilipinas. Mas mabilis kumita kung mag invest ka na lang sa mga low cap coins pero syempre very risky ito, nasa sa iyo naman yan kung anong style kumita ang bagay sa iyo.