Gusto ko lang malaman kung may mga countries ba na pinagbabawal ang bitcoin. Napasin ko lang kasi dito sa mga local boards na iilang country lang ang merong forum dito. Sa tingin nyo ba sa ibang bansa eh illegal ang bitcoin at banned ito? May iilan kasing mga kakilala ko sa ibang bansa na nagtatanong about bitcoin kung legal ba ito sa lahat ng countries, sagot ko eh sa country namin, legal ang bitcoin, ewan ko lang sa ibang pang bansa.
Actually hindi pa sya declared legal sa bansa natin pero di pinagbabawal nagsisimula na rin itong marecognise sa gobyerno natin. May mga bansa talagang ang tingin nila ay threat sa kanila ang bitcoin. Kasi pwedeng gamitin sa illegal activities, wala kasing paraan para magkaroon ng full control sa bitcoin kahit makapagyarihang gobyerno. Isa pa, nakikita nila ito na complication sa ekonomiya nila. Sa tingin ko maganda naman amg future ng bitcoin sa Pilipinas. Ito ang ilang bansa na illegal ang bitcoin: Bangladesh,Bolivia,China,Ecuador,Iceland,India,Russia,Sweden,Thailand at Vietnam.