Hindi ko akalain na may ganito na palang ipapairal na batas. Nanunuod ako ng youtube video and one of my favorite youtube-rs, Markiplier, posted this video 4 days ago about Net Neutrality. Di ko alam kung bakit pa kelangang tanggalin ito pero paano naman yung mga taong katulad ko na di naman ganun kayaman para magafford ng pambayad sa internet.
Sa tingin ko ginagawa nilang profitable space ang internet imbes na isa ito sa mga free space for people to communicate and share thoughts.
Sa tingin niyo guys, makakaapekto ba ito sa kinikita natin dito sa forum? I mean kailangan pa ba nating magbayad para ma-access ang forum na ito kapag nabuwag na ang Net Neutrality? Share your thoughts.
BTW, this is the link to Markiplier's YouTube video :
https://www.youtube.com/watch?v=OHyMORrsaYk