Hi guys tanong ko lang ano nga ba ang mas magandang pag tuonan ng pansin ang paglalaro ng mga online games or cryptotrading . Alam naman natin nowadays maraming mga kabataan ang nalululong sa pag lalaro ng mga games , which is ok lang sana kong moderate lang pero nakakasama na kapag sobra at katotohanang nag gagasta ka ng pera sa wala . Or pwedi ring himukin mga kabataan ngayon na simulan ng diskrobrehin ang mundo ng cryptocurrency and blockchain process... sa totoo marami akong kilalang mga kabataan na naging asensado na ang buhay sa pag bibitcoin at pag te trading na sila na mismo nag papaaral sa mga sarili nila . Pwedi ka namang mag simula ngayon, wag nang ipagpabukas pa .
Ganun din ako noon, masyado akong mahilig sa onlines games. Puro gastos lang taz walang bumabalik na pera. Mas maganda talaga kung yayayain natin sila na pasukin ang cryptocurrency pero hindi naman natin hawak kung ano magiging desisyon nila. Hindi natin alam kung magiging interesado sila dito o hindi. Para habang maaga pa eh matuto sila makaipon ng pera at makatulong sa mga magulang nila at di na nila kelangan pang humingi ng pera sa kanila.