As an online seller, mas gusto ko na ang payment sa akin ay bitcoin or cryptocurrencies kasi iwas sa mga scammer na buyers.
Ilang beses na akong na-scam sa paypal at credit card payments dahil after ko mabigay yung merchandise sa buyer, bigla mag-issue ng reversal or dispute. 99% na pinapanigan ng paypal or credit card companies ang buyer kahit very obvious na scammer ito at kahit magbigay ka pa ng mga proofs. Walang security ang sellers sa paypal at credit card companies. Malaki pa ang charges nila.
Sa bitcoin at cryptocurrencies, wala reversal ng payments. Minimal din ang charges (depende sa crypto). Minimal ang requirements para makapag start ka ng business. Ang kagandahan pwede mo pa i-automate yung system mo para kahit natutulog ka, tuloy tuloy parin ang business. Kung maliit kang business, hindi mo yan magagawa kung thru banks or cash basis ang payment. Very tedious at manual intensive pagmanage ng business.