May nakakaalam ba sa inyo about this coinrocket investment site? Is this legit? Bali gumagamit din dito ng bitcoin and you can directly transfer you funds from coins.ph to this site. Gusto ko sana mag invest kaso im not sure if legit siya. Thoughts, anyone?
Hindi ko pa naririnig ang investment site na ito, gaano na katagal ang website nila and saan ang location nito? kung bago lang ang site at nag ooffer ng malaking profit sa maikling panahon lang at kung tinatago nila ang totoong location nila, sigurado ponzi scheme yan. Sa mga gustong mag attempt na mag invest sa mga ganitong Bitcoin investment programs, wag niyo nang subukan dahil masasayang lang oras at pera niyo sa mga ito. Matuto tayo sa mga kamalian ng iba at gisingin niyo ang sarili niyo sa katotohanan na walang company ang mag ooffer ng ganito kalaking kita kahit na legit pa yan.