staker$
Member
Offline
Activity: 87
Merit: 10
I love donation, BTC: 1P3TzmdoTJGafGWjoezDMudUb5zY
|
|
December 30, 2017, 04:47:07 PM |
|
I have tried these all three, pero wala sa kanila ang paborito ko talaga, syempre doon sa trading site na di lang safe at flexible dahil may mobile version, kundi talagang nakapag bibigay na ng malaking kita, pera sa bulsa ko. Pero dahil wala dito sa tatlo yun, magbigay na lang ako ng review dito sa tatlo. Una,
1.) Bittrex: maayos naman, mabilis ang website, malaking volume maganda sa huge traders, safe din lalo ang whitelist system naiiba, madali lang ang verification. Ang downside naman ay kunti lang ang pairs, wala kang masyadong freedom to trade to other coins. Medyo mataas ang minimum trade kompara sa cryptopia.
2.) Cryptopia: madalas ako dito, maraming trading pairs na mapagpipilian, maliit ang minimum trade, mabilis makapag withdraw, safe din, maganda ang platform, ang info bawat trading coins ay madaling makita at nakakatulong sa trading decision. Ang downside, medyo mahal kunti yung transaction fee o withdrawal, napansin ko maraming bot traders na nag papump and dump ng coins.
3.) Poloniex: Isa sa pinaka malaking trading site. Maayos, mabilis, madali lang gamitin ang platform, madali lang din ang withdrawal at walang napaka striktong verification, medyo marami din ang pairs, hindi lang kagaya ng cryptopia, mas malalaki ang volume dito kaysa unang dalawang nabanggit. Ang downside, medyo matagal ang response ng support. Meron ako issue dati ng deposit, three weeks yata bago naayos dahil sa offline for maintenance, medyo hindi normal yung ganun ka tagal para sa isang main coin for trading (Pero sa devs yata ng coin mismo nagka problema din). Mataas din yung minimum trade kasi nga pang bigtime ito dito. At saka madalas ko napapansin ang trade bots.
Paalala: Ang mga comment ko ay basi sa sarili ko lamang na pananaw at basi rin sa aking experience. Maari po akong magkamali sa aking obserbasyon so mas mainam po ang inyong sariling pagsusuri at obserbasyon, makakatulong ding pakinggan ang pananaw ng nakararami pang traders. Salamat po.
|