Saang mabuti mag create ng wallet para sa bitcoin sa Coins Ph or sa Coinbase
For what purposes? for cashing out or for storing/holding ng Bitcoin? kung for cash out coins.ph ang gamitin mo, wala naman kasi tayong option para mag cash out sa coinbase kasi hindi pa nito supported yung mga banks natin dito sa bansa natin. Kung for storing/holding ng Bitcoin much better kung hindi ka gagamit ng kahit ano diyan sa dalawa dahil pareho itong Bitcoin exchange, mas maganda kung gumamit ka ng wallet na hawak mo yung private key/recovery phrase para anytime pwede mo ito ma-access sa ibang wallet at para ikaw mismo ang mag secure sa Bitcoin mo, I recommend Mycelium (smartphone) and for pc Electrum wallet.