Nope, hindi po dahil sa BitConnect kaya nagrally pababa ang price ng Bitcoin kundi dahil po ito sa sunod-sunod na crackdown na ginawa ng Chinese government sa mga crypto trading platform sa kanila at maging na din po ang nangyari scenario sa South Korea kung saan nagsimula yung FUD tungkol sa pagban ng Bitcoin at crypto doon. Bukod pa diyan, nakaamba din kasi yung regulation na gustong ipataw ng ilang bansa ng EU sa Bitcoin. Yan tatlong yan yung pinakamabigat na dahil sa pagbagsak ng price nito. Maliban diyan, pwede na din natin isama yung ginawang negative statement nila Warren Buffett, Jordan Belfort, Grant Sabatier, Axel Weber, at iba pa, na dahilan sa pagbulusok nito sa pababa.
Posible ngang naka-apekto din yung mga sinabi ng mga bilyonaryo na yan tungkol sa bitcoin. Halos negative yung ma komento nila tungkol dito. Sumabay pa nga yung crackdown sa China at South Korea pero makakabawi pa yan. Matagal pa ang lalakbayin. Maraming factor pa ang pwedeng maka-angat ulit sa bitcoin. Yung sa bitcoinnect, hindi naman yun naging dahilan ng pagbaba. Scam yang lending platform na yan, buti na lang naligtas ko yung 2k ko diyan. Hahaha. Nahikayat din kasi ako sa bitconnect, dapat 2k lang ang iiinvest ko kaso sabi ko 'wag na lang, sayang 2k ko. Tama na, nagshutdown din sila.