|
February 01, 2018, 06:15:07 PM |
|
Pabor na pabor ako dito sa bagong merit system na in-implement ni Theymos. Tina-tackle nito ang isa sa problema ng forum na ito at ito yung mga accounts na nagpopost lang ng walang kabuluhan sa kung saang-saang thread para lang magkaron ng activity at magrank up. After nilang magrank up, sasali sila sa mga campaign at magpopost pa rin ng mga walang kabuluhang bagay at kung swertehin sila, makakakuha sila ng sweldo na kung tutuusin eh maaring kitain ng ibang account na may kakayahang magprovide ng tamang content sa kanilang mga posts. Ang mangyayari ngayon eh pag hihirapan mo talaga muna para makapag-rank up ka. Mawawala na yung mga account farmers at kahit papano, magiging maayos na ang mga magiging posts sa kada thread dito sa forum.
|