Akala ko may gagawa ng thread na ito dito sa forum, naghihintay ako since di ako yung taong nagiinitiate kaagad. Napakaraming mga kababayan natin ang nagrereklamo sa bagong sistema sa kadahilanan na mahirap magkaroon ng merit, pero para sakin nasa atin ang problema dahil ang daming pinoy ang may sMerit pero karamihan sa kanila hindi basta basta nagshashare.
I have some sMerit that I can use, pwede niyong ilink mga post niyo dito na Pwedeng imerit. Since hindi ganun kadami ang sMerit ko, I think some Pinoys can help me to merit those posts na "Merit-able". Sa tingin ko, I can pick one post per day. 2 merits pinakamataas kong ibibigay since as I said, hindi naman ganun kataas ang sMerit ko. Also if you have some suggestions, PM na lang po ako. Thanks.
Marami pa rin talaga yung mga tao na hindi naniniwala na makakatulong satin ang merit system. Pero naniniwala ako na malaking tulong ito. Sana magawa ng iba na mag send ns sMerit sa mga tao na talagang may quality post. Kagaya ng sinasabi sa pagbibigay ng merit, hindi rin naman makakatulong sa sarili natin kung sasarilinin natin yung mga sMerit dahil ginawa naman talaga ang mga ito para ibigay sa iba.
Depende kasi yan sa kung anoh ang dahilan nila kung bakit sila sumali dito sa forum eh. Tignan natin ang both sides.
Left Side: Ung taong sumali lang sa forum para lang sa bounty campaigns especially signature campaigns since kadalasan ito ang may pinakamalaking allocation sa mga campaigns.
- Para sa mga tao na ang rason lang kaya sumali dito ay para kumita, ang tingin talaga nila sa merit system ay pangit kasi di na sila makakarank therefore mas konti na ang rewards na makukuha nila.
Right Side: Ung taong sumali dito sa forum para matuto at wala siyang kwenta sa ranggo niya.
- If sumali ka lang dito sa forum para sa karagdagang impormasyon sa cryptocurrency, most probably walang kwenta yang merit system sa iyo kasi di ka naman affected eh since lahat ng mga impormasyon ay pwede mong maaccess kahit newbie ka pa lang or jr. member.
Nasa tao kasi yan eh. Ako nung una, galit na galit ako dahil sa merit system pero naisip ko bandang huli "Sumali ako dito para matuto". Yes sumasali ako sa mga bounty campaigns pero di ako anti-merit system kasi alam ko na masasanay din tau jan eh at ito ang alam nilang solusyon para sa mga SHITPOSTERS sa paligid at ung mga ACCOUNT FARMERS.