Naala ko pa nung nag start ako dito sa bitcoin. Unang nakita ko ay mga hyip at nahumaling agad ako dito. Tama na makakapag payout ka sa umpisa at doon ako ginanahan. Pero bandang huli dami ng naglipana na hyip at hindi na ako naginvest nun kasi halos parehas lang sila ng strategy kapag nakakuha na ng malaking amount ay tatakbo na. Kaya ang payo ko huwag nyo ng pansinin yang mga hyip na yan. Kung gusto mo talagang iwasan yan dapat hindi ka nakukuha sa mga promo nila na mataas na referral bonus or laki ng interes na makukuha sa isang buwan.
Sino ba naman kasi ang hindi mahuhumaling dun di ba, parang totoo kasi talaga lalo na at meron silang mga pinapakita na mga proof eh, kaya hindi din po natin masisi yong ibang mga tao, unless na talagang mabusisi ka at hindi basta basta nagpapalinlang sa kung ano ang kayang ibigay sayo at hindi ka after sa easy money.