Bakit yung mga reply kong laging binubura ng moderator,sa tingin ko naman ay hindi offtopic yung mga ni rereply ko halos tatlong reply ko na ang na dedelete. Sa Philippine thread lang naman nangyayari yun pero sa iba hindi
Bakit kaya?
kabayan huwag kang magtaka kung ngyayari sayo at hindi lang sayo,maging saakin,at sa iba pa nating mga kasama.
naniniwala ako na minomonitor ng moderator lahat ng post ng users at sa tingin ko may mga factors kung bakit sila nagbubura,halimbawa paulit ulit na post or pinapaikot ikot mo lang ang mga sasabihin mo sa isang thread pero isa lang din ang kababagsakan at marami pang iba.
sa ngayon ang maipapayo ko at ginagawa ko na rin,patuloy sa pagbabasa para sa kaalaman at hanggat maari gawing makabuluhan ang bawat salita o opinyon na iyong sasabihin sa bawat topic.