Isa sa natutunan ko dito sa forum ay yung kahalagahan ng seguridad ng iyong account dito at ng iba mong accounts sa iba't ibang exchanges/cryptoforums. Malaking pera ang nagiging involved sa mga accounts natin na ito at dahil dito, maraming masasamang loob ang nagtatangkang i-hack ito. Maraming paraan para maging secured yung account mo dito at makakapagbigay ako ng iba't ibang puntos para maisagawa ito. Tandaan na ang mga sasabihin ko ay ilan lamang sa napakadaming paraan na pede mong gawin.
- Iba't ibang emails ang gamitin mo sa pagreregister sa iba't ibang exchange at forums dito sa net.
- Gawin mong iba't iba yung password na gagamitin mo sa bawat account mo. Kung maari, pilitin mong tandaan ang mga ito at wag mo itong ilalagay sa hindi secured na bagay. Gumamit ka din ng mahahabang password na hindi related sa buhay mo.
- Pede ka ding gumamit ng password manager kung makakalimutin ka pero siguraduhin mo na safe at trusted yung software na gagamitin mo.
- I-bookmark mo yung mahahalagang website at wag na wag kang maglalagay ng credentials mo sa mga websites na hindi ka sigurado.
Salamat sayo mate, this is the right way para maiwasa natin ang phising site na maaaring ma hack tayo sa pag-log in natin.
Dapat din siguraduhin mo upon clicking the site na may nakalagay na
secure at lock sign and also it must start at this
https.
Pero para safe din naman dapat bookmark nalang natin para mas secure.
Ako din iba talaga ang password ko na gagamitin kapag mag register ako any site na gamit ang email.address ko mas mabuti na double ingat kay sa masayang lang pinaghirapan mong account.