Maisip sana ito sa Pilipinas. Nagkamali ang Pakistan sa pag banned ng ICO at Crypto sa kanilang merkado nang hindi pinag isipan.
Hindi naman totally banned ang cryptocurrency sa kanila, pinag bawalan lang ang mga banks na makipag deal sa mga transactions na related sa cryptocurrencies, which is malaking bagay kasi mahihirapan na mag benta yung mga traders and investors ng cryptocurrencies sa bansa nila, but I'm sure pinag isipan din naman ng pakistan ang ginawa nilang ito, yung nga lang hindi maiiwasan ang mga ganito dahil may kanya kanyang opinyion ang iba't ibang bansa patungkol sa Bitcoin or cryptocurrency. May mga bansa na mas nakikita ang mga bagay na makakasama sa pag gamit nito at meron naman na mas nakikita yung mga advantage o mga bagay na kaya iimprove ng cryptocurrencies.
Ganito sana ang maging basehan ng SEC and BSP na sana madaliin ang guidelines para maiwasan ang scam at masamang impression sa crypto ng ating mga kababayan.
Marami nang guidelines na ibinibigay ang SEC at BSP sa mga gustong pumasok sa crypto market. Sa totoo lang hindi naman nagkukulang ang gobyerno sa pagpapaalala sa mga ganitong bagay, meron lang talagang mga tao na matigas ang ulo, porke mataas ang profit or ROI na ipinopromise sa kanila ng mga investment program, sige parin sa pag invest. Hindi na bago yan kasi kahit wala pang mga cryptocurrency, talamak na ang mga scam.
Note: Tataas pa daw ang presyo sa merkado ng BTC pagpasok ng mid April! Wow.
This may be true or not, lahat ng mga nagsasabi na tataas ang price ng Bitcoin sa ganitong araw, buwan, o taon ay walang kasiguraduhan. Lahat yan ay hula hula lang.