Mga mahalimuyak na salita, mga pangakong hindi mo inaasahan, mga damdaming gustong umangat sa buhay, eto ang sa tingin ko ang puhunan ng mga scammer na nakayanang manloko at sa kasamaan palad ay nakalikom pa ng 900Milyong piso mula sa ating kababayan. Hindi natin maiaalis na hindi maniwala sa ganitong klaseng proyekto lalong lalo na kung wala pa tayong ganoong kalalim na kaalaman sa usaping cryptocurrency o bitcoin at batid ko na nabighani ang ating kababayan dito dahil sa kanilang kapamilya/kamag-anak na nag anyaya sa kanila, dahil hindi naman eto ilegal at may kinita naman ang nasabing referrer . Ang kailangan lang ng ating kababayan ngayon ay kaalaman sa naturang usapin at hindi ang "malaking kita" na nakakapagpa bago sa ating pananaw sa bagay bagay.
Tingin ko naman diyan may slam talaga sila kung ano ang bitcoin. Kung kaya nkakagamit sila ng salita na accurate sa mga bibiktimahin nila. Kssi mahirap naman na magsalita kung wala kang slam sa kung ano ang ibinebenta mong investment.
Ang problema kasi sa ating mga Pilipino Basta usapang pera at kita agad agad sumusugod kahit di naman alam ang background ng businesses or company na pinagiivestan. Napagkakamalan kasi tayong mukhang pera dahil sa mga ganyang pangyayari, ilan beses na nangyaring naiscam ang ating mga kababayan pero hanggang ngayon di padin nadadala.
Ginagawa na kasing literal mga kababayan natin ang salitang "take the risks" kaya kahit anung opportunity go agad ng go kahit kulang naman sila sa kaalaman tungkol sa company na pinapasukan nila.