Bitcoin Forum
November 16, 2024, 12:11:19 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 28.0 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: « 1 2 3 [4]  All
  Print  
Author Topic: PARA SA NEWBIES NA NAIS KUMITA USING CRYPTOCURRENCY  (Read 814 times)
jedmac123
Newbie
*
Offline Offline

Activity: 72
Merit: 0


View Profile
May 21, 2018, 03:10:06 AM
 #61

Ingat rin tayo minsan sa coins.ph mga sir kasi nang didisable sila ng account ng walang dahilan.
Polar91
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 1120
Merit: 553

Filipino Translator 🇵🇭


View Profile WWW
May 21, 2018, 03:27:52 AM
 #62

Ingat rin tayo minsan sa coins.ph mga sir kasi nang didisable sila ng account ng walang dahilan.
Actually, di sila nagdi-disable ng walang dahilan. Pwede mo silang contactin if ever na madisable ang iyong account sa kanila para malaman mo ang dahilan. Sa ngayon kasi, mas pinahihigpit nila ang pag-momonitor sa mga bitcoin transaction at pinipigilan ang ano mang suspicious activity gaya ng paglahok sa mga ponzi schemes, onpal, atbp.
Chyzy101
Newbie
*
Offline Offline

Activity: 266
Merit: 0


View Profile
May 21, 2018, 03:42:46 AM
 #63

Ingat rin tayo minsan sa coins.ph mga sir kasi nang didisable sila ng account ng walang dahilan.
Actually, di sila nagdi-disable ng walang dahilan. Pwede mo silang contactin if ever na madisable ang iyong account sa kanila para malaman mo ang dahilan. Sa ngayon kasi, mas pinahihigpit nila ang pag-momonitor sa mga bitcoin transaction at pinipigilan ang ano mang suspicious activity gaya ng paglahok sa mga ponzi schemes, onpal, atbp.
tanong ko lang poh ano mangyayare pag na dis able account mo sa coins. ph. alam ko na hindi na magagamit yung account mo pano na poh yung mga laman nun?may habol pa ba tayo dito kung sakali?
Insanerman
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 1162
Merit: 450


View Profile
May 21, 2018, 10:55:22 AM
 #64

Pilipino ka pala HAHAHA. Anyways add ko lang sa post mo. Para mas mapadali ang paghahanap ng mga airdrop may okay kung may telegram ka at kasali ka sa airdropalert na channel, doon mo malalaman yung mga legit at profittable airdrops, karamihan kasi sa forum napakadaming scam, minsan kapag natanggap mo naman yung airdrop wala namang value, pang-display lang MEW. Nice post.
ace9989
Member
**
Offline Offline

Activity: 177
Merit: 11


View Profile
May 21, 2018, 01:53:26 PM
 #65

Ingat rin tayo minsan sa coins.ph mga sir kasi nang didisable sila ng account ng walang dahilan.

Ako ay sumasangayon saiyo dahil naranasan ko na rin madisable ang aking coins.ph account
Nakipagvideo call pa ang kanilang customer representative para lang maretrieve at matanggal ang pagiging disabled ng aking account sa coins.ph. May mungkahi ka ba para hindi maulit ang ganitong pangyayari?
AmazingDynamo
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 248
Merit: 100


View Profile
May 21, 2018, 02:38:16 PM
 #66

Ingat rin tayo minsan sa coins.ph mga sir kasi nang didisable sila ng account ng walang dahilan.



Wala pa naman akong nababalitaan na ng didisable ang coin p.h siguro ung ibang naka try na madisable ay ung matagal na sigurong hindi na oopen.

Wala pa naman nag oopen nyan dito na nagdidisable ng acct kung mag disable man sila para sakin tatawagan muna nila yung holder para iconfirm o iadvise na ikoclose na yung acct.
burner2014
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 952
Merit: 515


View Profile
May 21, 2018, 04:10:27 PM
 #67

Ingat rin tayo minsan sa coins.ph mga sir kasi nang didisable sila ng account ng walang dahilan.

Ako ay sumasangayon saiyo dahil naranasan ko na rin madisable ang aking coins.ph account
Nakipagvideo call pa ang kanilang customer representative para lang maretrieve at matanggal ang pagiging disabled ng aking account sa coins.ph. May mungkahi ka ba para hindi maulit ang ganitong pangyayari?
Wala pa naman akong naririnig din na nagdidisable ang account nila ng basta basta, for sure may dahilan yon baka may nagawang labag or baka nainvolve sa kung anong bagay yong account na yon, ingat na lang din po tayo para hindi po mangyari sa atin yong ganung bagay.
mjaranzasu
Newbie
*
Offline Offline

Activity: 145
Merit: 0


View Profile
May 22, 2018, 08:39:11 AM
 #68

Ang thread na ito ay ginawa ko para sa mga kababayan ko na gustong kumita sa cryptocurrency pero hindi alam kung saan magsisimula. Ito ay ilan sa aking mga kaalaman at pinagkukuhaan ng impormasyon kung pano kumita sa ganitong industriya specially, dito sa forum.




Ano nga ba ang mga dapat na meron tayo bago magsimula?

1. Coins.ph Account / App (Download online or on playstore)

Ito yung ginagamit mostly nating mga pinoy para magconvert ng Ethereum and Bitcoin to Philippine Peso. Pwede mo sya iwithdraw through Cebuana, Direct sa bank account mo, or cardless withrawal using security bank.

2. ERC20 Wallets

TIPS: Ito yung mga wallets na ginagamit ko madalas sa  mga bounties ko or kung saan natin pwede ilalagay yung mga ERC20 tokens rewards natin sa airdrops and bounties. Paalala ko lang na hindi lahat ng bounties and airdrops ay ERC20 based tokens or related kay Ethereum Blockchain. May mga tokens or coins na may sariling wallet or specific blockchain wallets so basahing mabuti ang instructions bago sumali.

    ✔ MyEtherWallet (no download needed / online wallet)
    ✔ MetaMask (Firefox and Chrome browser add on)
    ✔ imToken (iPhone / android)
    ✔ Coinomi (Mobile wallet)
    ✔ Jaxx (Mobile / Desktop wallet)

3. Online Notepad (Ito yung ginagamit ko)

Listahan nyo ito para ma-save nyo yung sinasalihan nyong bounties and airdrops. If my computer kayo, alam nyo na kung ano mga dapat gamitin or depende sa diskarte nyo. (Microsoft Excel). Sa cellphone ko lang naman ginagawa lahat ito since wala pa ko computer.  Grin

4. Coinstat / Blackfolio (Mobile app)

Para matrack nyo yung price movement ng cryptocurrency nyo from airdrops, bounties or even sarili nyong investments. Pwede rin gamiting nyo yung website na COINMARKETCAP para sa live update ng altcoin prices.

4. Social Media Accounts - Facebook, Twitter, Instagram, Reddit, Slack, Telegram, Discord, LinkedIn, Medium, etc. Ito ay nakadepende pa rin sa bounty na sasalihan nyo kung paano mo iaadvertise yung platform nila  Wink





Ano nga ba yung AIRDROPS?

Ito yung mga tokens na nakukuha natin ng libre kapag may may nakatago kang tokens pag may event or partnership yung project. Nakukuha din ito sa pamamagitan ng pagsali dito sa Bounties (Altcoins) section. Press "Ctrl+F" tapos type nyo "Airdrop" at pwede din namang "Bounty" kapag naghahanap kyo ng passive income by means of advertisment.





Ano nga ba yung BOUNTIES?
Ito yung magiging freelancer ka ni cryptocurrency project sa pamamagitan ng pag aadvertise mo sa kanila. Nahahati ito sa ibat ibang uri ng campaigns tulad nito.

1. Forum Signature Campaign
2. Facebook Campaign
3. Twitter Campaign
4. Content/Blog Post/Article Campaign
5. YouTube Video Campaign:
6. Translation Campaign
7. Referral Campaign
8. Telegram Campaign
9. Reddit Campaign
10. Et cetera  Grin

Ito yung example ng bounty campaign at ilan sa mga instructions kung papaano makasali. Ang allocated rewards na makukuha mo sa bawat campaigns ay hinahati by means of percentage. CLICK HERE





Ano nga ba yung CRYPTOCURRENCY?

Ito ay isang digital o virtual na pera sa internet na dinisenyo or ginagamit na daluyan ng palitan ng pera internationally. Ginagamit nito ang cryptography upang ma-secure at i-verify ang mga transaksyon pati na rin ang pagkontrol ng mga bagong yunit ng isang partikular na cryptocurrency. Mahalaga ang mga cryptocurrency ay limitado sa mga entry sa isang database na walang maaaring baguhin maliban kung ang mga partikular na kondisyon ay natupad.

REFER HERE or CLICK THIS para sa karagdagang kaalaman





Ano nga ba yung ALTCOINS?

Short word ng ALTERNATIVE COINS. Ito ay cryptocurrency na nahahati sa COINS at TOKENS (tignan ang kahulugan sa ibaba). Ang alternatibong cryptocurrencies na inilunsad pagkatapos ng tagumpay ni BITCOIN. Sa pangkalahatan, tinururing nila ang kanilang sarili bilang mas mahusay na mga pamalit sa Bitcoin.





Ano nga ba yung BLOCKCHAIN?

Ito yung tinatawag na DIGITAL LEDGER kung saan mo makikita ang mga transaksyon na ginawa sa bitcoin o ibang cryptocurrency ay naitala nang sunud-sunod at sa publiko.

Ito yung examples ng blockchains or websites na connected sa blockchain. Lagay nyo lang yung wallet address then click search.

1. Ethplorer (For ERC20 tokens / supported by Ethereum)
2. Etherscan (For ERC20 tokens / supported by Ethereum)
3. /]Blockchain (For Bitcoin transactions)

PAALALA: Ang mga COINS ay may sariling blockchains at may sarili silang website na konekatado sa blockchain nila. Doon mo makikita yung mga galaw ng iyong transaksyon, mga nakatago mong cryptocurrency sa wallet mo at dun mo rin machicheck kung failed or success ay iyong transaksyon.

NGUNIT: Madalas, hindi nakatala sa blockchain ang mga transaksyon ng mga wallet galing sa exchange market lalot kung ito ay hindi decentralize.





Ano nga ba yung COINS?

Ito yung mga cryptocurrency na may sariling wallets at blockchain.

Click mo ito para examples

REFER HERE or CLICK THIS para sa karagdagang kaalaman





Ano nga ba yung TOKENS?

Ang Tokens ay isang representasyon ng isang partikular na asset o utility, na karaniwang naninirahan sa ibabaw ng isa pang blockchain. Sila yung cryptocurrency na umaasa sa blockchain ng isang COINS.

Click mo ito para examples







Magtulungan tayong mga pinoy para maibahagi natin yung mga nalalaman natin sa ibang gustong matuto at kumita. Magreply kyo sa thread na ito at malugod akong iaupdate ito with your name to take the credits as always.

CLICK HERE for more advance information. Enjoy mga kababayan!



Napakabuti nyo po.. maraming tao po kayong matutulungan dito.. Alam kong pinaghirapan nyo talaga para sa mga newbie na gustong sumabak din dito sa Bitcoin.. tanong ko Lang para makaiwas sa mga scam site na binigay nyo po ano po kayang tips o tandaan para maiwasan yon.. para Hindi masayang Yung pinaghirap mo na tapos sa kanya lang mapupunta ng walang kahirap hirap? Mahirap na Kasi sa panahon ngayon. Thank you
CJPEREZ
Newbie
*
Offline Offline

Activity: 121
Merit: 0


View Profile
May 23, 2018, 03:41:47 AM
 #69

Salamat po sa thread na ginawa niyo sir/mam napaka laking tulong po nito para sa mga newbies lalo na sakin ang dami ko pong natutunan sa post na to sir/mam. Sana madami pa po ang gawin niyong post para sa mga newbies na kagaya namen na willing matuto at kumita. Wag po sana kayong magsasawa na tumulong sa kapwa niyo pinoy sir/mam salamat po ulit
Estelita1818
Newbie
*
Offline Offline

Activity: 12
Merit: 0


View Profile
May 24, 2018, 09:52:07 AM
 #70

Mahirap pero pag gamay mo na, relax nalang.
Jenits
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 392
Merit: 101


View Profile
May 24, 2018, 01:57:41 PM
 #71

Salamat po sa thread na ito lalong lumawak ang kaalaman ko sa larangan ng cryptocurrency lalong lalo na din sa mga kababayan natin na gusto din pasokin ang mundo ng crypto sana marami pang thread ang makita ko kagaya nito.
Nisjan
Newbie
*
Offline Offline

Activity: 27
Merit: 0


View Profile
May 24, 2018, 02:39:44 PM
 #72

Ako po ay isang baguhan at wala po gaaning kaalaman sa crypto.pero maraming salamat po sa pagbigay ng kaalaman para sa aming baguhan.malaki ang naitutulong nito para sa amin.ang magkaron ng malawak na kaalaman na ibinahagi ninyo.salamat
jomz
Member
**
Offline Offline

Activity: 420
Merit: 10


View Profile
May 24, 2018, 02:49:14 PM
 #73

napaka detalyado ng pag ka gawa mo ng thread kapatid maraming baguhan ang matutulungan ng thread na ito sana ipag patuloy mopa ang pag babahagi ng iyong kaalaman pa tungkol sa cryptocurrency!
micko09
Member
**
Offline Offline

Activity: 336
Merit: 24


View Profile
May 25, 2018, 10:54:11 AM
 #74

Isa to sa mga magagandang guidelines sa mga bago dito sa forum, halos anjan na lahat ng hakbang kung papaano ang gagawin para kumita ng cryptocurreny dito sa forum, at madali sya maintindihan upang hindi maligaw ang mga bago, magaling kapatid sa pagawa ng thread na to
Theo222
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 449
Merit: 100


View Profile
May 25, 2018, 11:43:49 AM
 #75

malaking tulong tong thread na to para sa mga baguhan na gusto malaman mga kailangan gamitin sa bitcointalk forum.
bakit napakalaking tulong to kasi mababawasan ang trabaho nila sa paghahanap ng legit sites like wallets, airdrops and other ekek dito sa bitcoin.
Chyzy101
Newbie
*
Offline Offline

Activity: 266
Merit: 0


View Profile
May 25, 2018, 12:09:46 PM
 #76

it all starts with the basics, malaking tulong ang tread na to para sa aming mga baguhan mga basic ito pero maganda nang umpisa para sa amin. basa lang tayo lagi ng mga info at mga magagandang thread gaya ng thread na ito. para hindi masayang ang mga pinaghirapan natin.
katri
Newbie
*
Offline Offline

Activity: 140
Merit: 0


View Profile
May 25, 2018, 12:53:24 PM
 #77

salamat paps, ito ay talagang nakakatulong sa among mga baguhan dito sa crpytocurrency... Palagi ko itong titingnan para makapulot ako ng magandang simula.
froone22
Newbie
*
Offline Offline

Activity: 75
Merit: 0


View Profile
May 31, 2018, 06:14:01 AM
 #78

maraming salamat po. dami kung natotonan dahil sa post nato . at lalo na sa mga newbie katulad namin. isa kayo sa mga dahilan ng maraming matutu about sa bitcoin salamat sa mga guide
ettolrahc19
Newbie
*
Offline Offline

Activity: 5
Merit: 0


View Profile
May 31, 2018, 06:54:21 AM
 #79

Newbie pa ako at ngayong buwan ko pa lang na retrieve yung account ko sa bitcoin, wala pa akong karanasan at hindi ko rin alam saan magsimula at kung paano. Pero matapos kong mabasa to, nakakasaya at nakakatulong na maging positive. Marami akong natutunan at naliwanagan rin ang mga bagay na kinalilitohan ko. Lalo na sa mga detalye at maayos na pagpapaliwanag, nakakatulong talaga sa mga baguhan.
Pages: « 1 2 3 [4]  All
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!