Naging makasaysayan ang end of year 2017 para sa mga holders at investors ng bitcoin dahil sa pagpeak ng presyo nito sa $19,400. Matapos nito ang 2018. Napansin ng karamihan na patuloy ang pagsadsad ng presyo nito, may pag angat nang bahagya ngunit mababa pa din kung ikukumpara sa nakaraang taon.
Marami tuloy ang nagtataka at nagtatanong kung nareach na nga ba ng bitcoin ang moon? Sa inyong palagay ba ay hanggang doon na lamang ang presyo niya?
Kung ako tatanungin at sa opinion ko, hindi pa ako totally na kumbinsido na $19,400 na ang pinaka rurok ni bitcoin, yan yung naabot nya last year. Alalahanin natin na iilan palang ang may alam dito sa pinas o maski na sa buong mundo kung ano ba ang bitcoin at cryptocurrencies, kung iisipin nating mabuti pano kaya kung marami na anv nakaka alam nito at lahat ng may alam ay mag invest din sa bitcoin at iba pang mga alts, diba kung tutuusin kayang kaya pang mag pump ni bitcoin kapag nangyari yan. Ang mas importante lang muna sa ngayon ay mas maipalaganap ang kaalaman sa bitcoin at kung ano cryptocurrencies para ng sa gayon ay maraming mag invest dito.