Base sa title posible kayang iadopt ng PCSO ang Bitcoin bilang gantimpala tuwing may mananalo sa lotto? Sang-ayon kaba dito? Ano kaya ang mga posibleng epekto nito sa sambayanan at ekonomiya ng ating bansa? Sa tingin mo ba ay komplikado ito o kaya naman ay nakakatulong sa seguridad at privacy ng winner? Alam naman nating lahat na seguridad ang pangunahing problema lalo na pagdating sa malakihang pera kagaya ng usaping ito.
Syempre pre sang-angyon ako jan, pwede yang mangyari sa hinaharap kapag kilala na siguro ng marami ang kung ano ba ang bitcoin dito sa pilipinas, tsaka yung mga nananalo sa lotto draw kasi diba anonymous sila, akmang akma ang pag gamit ng bitcoin bilang pambayad sa kanila dahil sa anonymity ng mga gumagamit nito, tsaka tingin ko rin may dalawang epekto yan sa jockpot prize kapag bitcoin ang ginamit na mode of payment ng PCSO, una kapag bumaba ang price ni bitcoin bababa din ang halaga nung napanalonan nung nanalo, pangalawa kapag nag pump naman si bitcoin doble biyaya yung nanalo
.