Napansin ko lang, napakadami ng scam project ngayon na naglalabasan, napakaraming mga scam bounty program at mga ICO kayat nakakabahala nang sumali sa mga bounty program dahil kahit minsan trusted na ang mga team na nagmamanage ay may mga scam parin, tulad nalang ng, impressio na handled token suite managing team pero may mga nag aacusang scam.
Sa tingin nyo paano masusugpo ang mga scam ICOs ang bounty program ng sa gayon ay hindi ganun kataas ng risk kong sasali tayo ng bounty upang mangarap na kumita sa darating na panahon? Marahil sasabihin nang iba, nasayo na ang pagkakataon upang magresearch muna patungkol sa projects bago mag invest o sumali sa mga bounty ngunit para sa mga hindi about computers and course ay hindi madaling analisahin ang mga ICO or bounty program kaya kong malilimitahan ang mga scam na project ay bababa ang bilang ng masasayang lang ang oras sa bounty advertising dahil maari silang kumita sa hinaharap bilang kabayaran ng kanilang pagtatarbaho.
Susme, mabasa ng mga ibang lahi yan ikaw pa maiinsulto Hahaha. Sasabihin nila, unang una hindi ginawa ang forum na ito para jan.
Pangalawa kong Scam project man nasalihan mo may kasalanan ka rin kasi hindi mo nireview ng maayos bago mo salihan.
Pangatlo, kasama ka rin sa scam project na iyon dahil nakilahok ka at nag promote ng project. Kong baga accessories ka sa project na yan at kasama ka sa scammer, Hahaha which is true naman.
Kaya para ma iwasan mo mga ganyan, don tayo sa trusted na BM at ugaliin mag review sa bawat bounty na sasalihan.
Para hindi ka ma bash ng ibang lahi, do your part. Dahil isasagot lang sayo na hindi ginawa ang forum na ito para pagkakitaan.