Introduction:Magandang araw mga kabayan! Nandito nanaman ako para magbigay ng konting kaalaman patungkol sa Assets and Liabilities as suggested ulit ni AdoboCandies:
Kung titignan niyo sa dictionary ang salitang "assets" o "liabilities" malamang sa malamang malilito ka lang (halos lahat naman kaya wag ka mangamba), ganon din naman ako at kahit sinong alam ko na wala pang muwang sa pagiging
Financially literate. Sa thread na to, sisikapin kong maiexplain ang assets at liabilities as simple as possible para maintindihan ng lahat at lalo na ng mga baguhan.
Bukod sa pinaka main idea para malaman kung ano ang asset at ano ang liability nagdagdag ako ng isa pang tanong:
I. Ano ang Assets at Liabilities? At pano malaman kung assets o liabilities?
II. Cryptocurrency, asset ba o liability?
DISCLAIMER: lahat ng mababasa niyo dito ay ang pagkakaintindi ko sa mga sources ko, maaaring may mga mali o kulang kaya kung pwede paki inform nalang ako para maayos natin agad.
I. Ano ang Assets at Liabilities? At pano malalaman kung assets o liabilities?Simpleng simple lang, Ang
assets ay yung mga ari-arian mong
nagpapasok ng perasayo at ang
liabilities naman ang mga ari-arian mong
naglalabas ng pera.
Para mas maintindihan mo, eto ang cash-flow pattern ng isang asset at ng isang liability:
Kung mapapansin niyo may dalawang part yung figure, yung nasa taas yung
Income statement or Profit-and-Loss statement. At yung nasa baba is yung
Balance sheet.
Yung
Income statement, makikita natin diyan at nilalagay diyan ang mga pumapasok at lumalabas na pera sayo. Usually sa income diba ang mga work, and sa expenses naman is yung mga groceries, etc.
Ang
Balance sheet naman, diyan mo lang makikita yung mga assets mo and liabilities, and by the word itself ang ideal para sa balance sheet mo is balance yung assets and liabilities mo or mas maganda pa doon mas marami ang assets mo at konti lang ang liabilities mo.
Bakit? Siyempre kung balanced o mas marami ang assets mo kaysa sa liabilities mo, hindi ka mamromroblema kahit gano pa kalaki ng expenses mo. Since kapag mataas ang Assets mo, mataas din ang income mo.
Kung mapapansin niyo din may arrow na nag iindicate ng dadaanan ng pera niyo, so kung sa asset siya, directly counted as income at kung liability, since ang liability nga ang mag ppwersa sayo maglabas ng pera counted as expenses o gastos (isipin niyo parang wallet yung box at palabas talaga yung pera kase gastos ng gastos).
Example ng cash-flow pattern ng mga katamtaman sa mayayaman:
Ang mga nakalista ay yung mga halimbawa ng income at expenses pati na rin ang assets at liabilities.
Sa ngayon, yan lang naman ang dapat mong malaman at i-take note.
Na
ang asset ang mag bibigay sayo ng pera at ang liability ang maglalabas ng mga ito. At ideal para satin (sa mga gusto yumaman) ang balanced ang assets at liabilities or higit pa ang assets.
Ang dali lang intindihin pero bakit parang marami paring tao ang nalilito sa mga ito?
Ang problema kasi is hindi natin alam na ang mga inaakala nating assets gaya ng
Bahay at Kotse ay liabilities pala. Pero kung
lupa ang usapan, then macoconsider siya as
asset, since ang presyo ng lupa ay gradually increasing. At mabebenta mo yon ng mas mahal pagdating ng panahon.
BABALA: Nga pala, hindi porket tumaas na ang assets mo ay ibigsabihin non goods ka na, kasi ang kadalasang nangyayari, kahit na may malaki kang income, kung sobra sobra padin ang gastos mo at di mo alam kung pano i-handle ang pera mo, ekis padin. Example dito ay yung mga nananalo sa lotto. Mayaman ngayon pero mahirap na bukas. Kasi ang
Rule #1 sa pagpapayaman ay: You must know the difference between an asset and a liability, and buy assets.II. Cryptocurrency, asset ba o liability?Well, kung pano mo gagamitin yung crypto madedetermine kung asset mo ba siya or liability. Kase para sakin, nacoconsider ko siya as asset. Since signature campaign lang namang ang ginagawa ko at konting twitter. Hindi ako naglalabas ng pera pero may pumapasok sakin, therefore asset.
Kung ang paggamit mo ng crypto is investment. Long-term man or short-term ang pag invest mo, considered padin siyang asset. Pero investments on crypto currency, in general is a short-term current asset. Since di din naman natin alam kung gano ito katagal mag lalast and currently pasok parin siya sa mga short-term. Also, crypto ang mag papasok sayo ng pera in the near future therefore asset.
Bakit asset? Eh gagastos ka naman sa pag bili, edi mag lalabas ka padin ng pera, hindi ba dapat liabilities?Although gagastos ka padin at first, meaning mag lalabas ka ng pera, babalik parin naman yung ginastos mo at di lang basta balik minsan dumodoble pa, so more profit.
SUMMARY:- Asset - Ari-arian mong magbibigay/mag gegenerate sayo ng pera.
- Liability - Ari-arian mong pwepwersahin ka maglabas ng pera.
- Rule #1: You must know the difference between an asset and a liability, and buy assets.
- Cryptocurrency - In general, is a short-term current asset.
Yun lamang at maraming salamat! Sana nakatulong to maintindihan ang assets and liabilities. Sinubukan kong ikliian pero humahaba talaga pag nag eexplain ako. Muli, maraming salamat!
Sources:https://www.quora.com/Are-Bitcoins-an-investment-or-an-assetKiyosaki, R. T. (2011)
Rich Dad Poor Dad. Scottsdale, AZ: Plata Publishing, LLC.
EDIT:
PS: Nabura yung dati kong post without any message from the forum, di ko alam nangyari so kung binura talaga to ng mod pasabihan nalang po ako, ako na po magbubura hehe thank you po!