Applications na patagong ginagamit ang iyong PC for bitcoin mining
Ito ay old news na last 2 weeks ago at yung iba dito ay familiar sa larong League of Legends na ginawa ng riot, isang Gaming Company. Meron tayong sariling server ng
League of legends na hawak ng
Garena. Ginawa ko 'tong thread na 'to para maging aware pa tayo sa iba pang malicious content/programs na maaring ginagamit lang ang ating devices para sila ang kumita ng income. Ang category sa case na ito ay pwede ding maipasok sa Scam since ikaw ang pinaggagamitan while iba yung kumikita ng income.
Ano ba ang Garena? Ang Garena ay isa sa mga industry na gumagawa ng sariling server natin dito sa Pilipinas or sa ibang pang
South East Asia countries para malaro natin ang iba't ibang online games from different servers.
Itong ang real issue, madami kasing nakatuklas sa
League of Legends na nag-coconsume ng massive amount ng RAM sa computers which is nakakapagtaka dahil mas pinapasimple na nga ng Riot ang graphics at para maging playable na ang Online game kahit hindi high-end PC ang gamit ka.
So what is the cause?Ito,
PS: ctto, photo not mine
Using
Malwarebytes (Recommended Anti-virus ko to bukod sa Windows Defender.), may natuklasan kasing RiskWare sa PC niya at galing ito sa client ng League of Legends so doon palang nakakapagtaka kasi bakit ba magkakaroon ng sariling virus ang mismong application ng Online game? Kasi kung familiar ka about some games or apps sa computer mo diba madalas ang mga files na kasama ng application ang laging nakikitaan ng malwares?
Ano ba ang RiskWare?Ito yung mga programs or applications na maaring magkaroon ng breakdown sa iyong PC.
Kung makikita niyo naman yung domain niya, coinhive ang nakalagay.
Ano ba ang coinhive?ang coinhive ay nagooffer ng Javascript miner para sa Monero Blockchain.
linkSyempre sobrang shady ng coinhive, just by using the CPU, kikita ka na ng income dahil sa mga users ng application mo. Tayo yung mawawalan once na masira yung RAM natin without realizing na nakakapag-mine na sila using our PC. Pwede nilang i-degrade yung life span ng PC mo at higit sa lahat maaari nilang masira yung PC mo.
kung gusto mo pang magbasa about sa coinhive, punta ka dito sa link na ito;
click hereSabi nila na hijacked daw ang system ng garena dahil may naginput daw ng code(Javascript) kaya nagkaroon ng ganitong kaso ang Garena.
Pero imposible, after all this years, I thought maximum na yung security ng Garena since kumakapit naman sila sa Riot at tinutulungan sila regarding sa Online game. Ang case na ito ay hindi lang sa Pilipinas nangyari kundi sa ibang server ng SEA. Ang apology statement nila ay hindi dapat ganon lamang at hindi dapat palagpasin dahil may laws na nilabag sila during this case.
Section 4 (a)(1) of the Republic Act 10175 of the Philippines - Cybercrime Prevention Act of 2012
Illegal Access. – The access to the whole or any part of a computer system without right.Ang hindi ko lang alam if dapat nilang panagutan yung case na ito or hahayaan nalang ito kasi baka mamaya dumating ulit ang araw na lively ulit nagmimina ang coinhive sa iyong PC. Ang statement kasi nila ay "unauthorized" daw yung program so it means hindi daw sila ang naglagay ng program. Who knows?
Syempre hindi lang possible ang ganitong cases sa Online game application lamang, maari din itong lumabas sa different kind of application na ginagamit niyo. Kaya recommendable ko na magkaroon kayo ng Malwarebytes or Windows Defender sa iyong PC para sa protection ng iyong PC.
Regarding sa pagpapatigil ng ang ganitong case;1. isa na dito ang Anti-virus (Malwarebytes or Windows Defender)
2. NoScript (extension)
3. Any adblockers pwede na
Thanks sa pagbabasa!
finaleshot2016