Marami naman kumakalat na mga investment sa social media isa na dito ang BNL at Taurise.
Problema.
Ang mga investment na ito alam natin sa umpisa lang ito kumikita subalit itoy hindi nagtatagal. Bakit maraming pilipino parin ang tumatangkilik dito baka isa na dito sa ating forum ay may sumali na. Ang mga sumalisali dito kapag sila ay binabash sila pa ung matapang dahil may pananaw sila ang kumpanyang sinalihan nila ay legit daw. Marami ang nahihikayat nila dahil sa kanilang pormiso na marketing ung parang 100pesos mo ay gagawin 1Milyong piso sino naman ang hindi masisilaw sa ganyan kalaking kitaan. Isa na ang mga pilipino ang na bibiktima sa mga ganitong investment.
Dito sa Forum na ito paano ba tayo makakatulong sa kapwa nating pilipino.?
Solusyon.
Kung magkakaroon tayo ng Scam Accusation child boards dito sa ating local threads makakatulong ba ito sa ating kapwa pilipino upang maging aware ang ating mamayanan upang maiwasan nila ang mga scam investment. Sa inyong palagay anu ang magandang solusyon upang makaiwas sa scam investment ang mga kapwa nating pilipino.
Natural sa pilipino ang tumatangkilik dahul marami ring pilipino ang maybgusto ng instant money. Kaya naman sa pagbabakasakali nila ayan ang nangyayare, hindi na sila tumitigil dahil umaasa parin sila na baka makatsamba na baka totoo nga. Kaya naman mahirap talaga pigilan ang scam dahil marami parin ang nabibiktima.
Marami kasi sa atin ang hindi pa natututo eh, gusto puro instant money ng walang ginagawa gusto kikita lang ang pera nila, kaya ako never din akong nag invest sa mga ganun at never din akong sumubok ng hindi ko inaalam kung paano kumita sa isang bagay o kung paano to trabahuin, inaalam ko muna ang mga detalye bago ang lahat.