Please give your opinion tungkol sa attached photos;
I checked the spreadsheet at sa signature campaign, wala namang nakakuwa ng 41 Tokens, So i assumed na sa Social Media campaign nakakuwa 'to ng tokens dahil malaki ang chance na doon nga.
Gaining huge profit sa social media campaigns ay sobrang liit ang chance. Bakit? Sa dinami dami niyong bounty hunters na nagspaspam sa social media accounts, mageexpect ka pa ng malaking kita kung ang participants nga Social Media ay libo-libo?
That's why it is called
stakes, hindi din naman indicated na 1$ per post sa isang bounty, kaya maghahati hati kayo depende sa stakes na nakuwa mo. Gets? Sumali sa overrated campaign na may maraming participants at unting allocation for the bounties tapos magrereklamo?
Basic computation na nga lang para malaman mo kung magiging profitable ba ang pagsali mo, hindi mo pa kaya.
Una sa lahat, bakit tayo nagiging ganito? Although mahirap naman talaga kumita ng pera at nakakapanghinayang kapag scam or trash yung tokens pero diba from the start ang bounties ay isang alternative way of income lang naman? Just accept if ever na scam or hindi masyadong profitable. Pero hindi na ako lalayo sa point na bakit ang bilis nating magcomplain sa mga bagay bagay pero any contributions sa local wala tayong maibigay?
Ang worst part pa ay kung titignan mo yung mga recent posts nung mga typical bounty hunters, mga one-liner or non-sense replies lang naman. Hindi ko na babanggitin pa, karamihan naman is hindi pa din nagiimprove ng posts, always shitposting. There are threads na pwede niyong basahin for improvement, yung iba spoonfeeding para lang gumanda ang community, kaso wala pa din.
At higit sa lahat, asan ang manners niyo? Although hindi nakakaintindi ng tagalog ang iba pang participants ng isang particular project, bakit ka magmumura? Hindi ko alam kung normal pa ba 'to or hindi. I just hate when people rant na parang pinagkaitan sila ng mundo, samantalang marami ngang tao na hindi nakaka-gain ng profit na nakukuwa natin dito. Be thankful nalang kasi meron.