Bitcoin Forum
December 13, 2024, 11:31:55 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 28.0 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1]
  Print  
Author Topic: Ano nga ba ang Hash?  (Read 191 times)
leoric251 (OP)
Jr. Member
*
Offline Offline

Activity: 121
Merit: 5

Staker.network - POS Smart Contract ETH Token


View Profile WWW
August 10, 2018, 07:10:24 AM
Merited by Descon (1)
 #1

Dahil nasa suggestion dito https://bitcointalk.org/index.php?topic=4613620.0 ang tungkol sa Hash at SHA256. Gumawa ako ng basic Learnings hehe. Kahit ako wala pa kong gaanong alam at sabay sabay tayo matuto Smiley

Panimula

Maaring madalas nyo na tong naririnig sa mga miner, pero di nyo padin alam ang ibig sabihin ng mga ito. Ayon sa pagkakaintindi ko ang hash o cryptographic hash o pwede ding matawag na "digest" ay para siyang "signature" para sa isang text or data. Simulan na natin.

HASH

Hashing - Hashing is a method of cryptography that converts any form of data into a unique string of text. Any piece of data can be hashed, no matter its size or type. Sa madaling salita nag coconvert sya ng kahit anong data at ginagawa itong namumukod tangi na text.



Paano ito gumagana?

Ang hashing ay isang mathematical operation na madaling gawin, ngunit mahirap ibalik sa dati. Ito ang pinagkaiba nila sa "Encryption" dahil pwede mo pa madecrypt ang isang encrypted file sa paggamit ng specific key.
Madami ang uri ng hashing functions tulad ng: SHA1, SHA256 at MD5. Ilan lang yan sa mga sikat. Ang ibang hashing processes ay mas madali gawin o masolve(since ito ay mathematical operation). Tulad ng SHA1 ay mas madali kesa sa BCRYPT.



Sino nga ba ang gumagamit ng hashing?

Hindi nyo napapansin pero sa araw araw na naglologin kayo sa isang site mapa facebook man yan o gmail para sa email mo, ay meron ditong hashing. Halimbawa neto ay ang paggawa mo ng bagong email at nagtype ka ng password, imbes na isave nila ang password mo pinapadaan ito sa isang hashing algorithm at kinukuha nila ang hash code ng password mo at ito ang nasasave. Sa palagi mong pag login icocompare ng site ang hash ng nilagay mo sa password sa nasave na hash sa kanila hanggang sa magmatch ito.

Hashing sa Cryptocurrency

Sa bitcoin blockchain, ang "Mining" ay nagagawa sa pag gamit ng serye ng SHA256 hashing function. Sa cryptocurrency blockchain ngayon nagagamit ang hashing sa paggawa ng bagong transactions, pag record sa mga ito, at paglalagay ng reference sa mga ito. Kapag nadagdag ang block of transactions sa blockchain at nagkaron ng pagkakasunduan o "Consensus" sa mga gumagamit ng iba't - ibang nodes, mahirap ng pabalikin ang transaction dahil sa laki ng computing power na kakailanganin. Kaya masasabi nating one way lng tlga ang blockchain, no reversing. Masasabi din nating sobrang halaga ng hashing pagdating sa mga crypto blockchain.

Sana magets nyo ang mga pinagsasabi ko, ito ay ayong lamang sa aking nalalaman at nababasa. Ako'y open para tumanggap ng pagbabago at kahit anong mungkahi. Wag nyo sana ako ibash Smiley
Sana nagkaron kayo ng konting idea tungkol sa Hashing Smiley

★ PRiVCY ➢ Own Your Privacy! ➢ Best privacy crypto-market! ★
✈✈✈[PoW/PoS]✅[Tor]✅[Airdrop]✈✈✈ (https://privcy.io/)
Pages: [1]
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!