I believe that we are not ready for mass adoption because the developers are not done building the infrastructure that could handle many users.
Ibig mo bang sabihin ay "
yet"? Sa ngayon, sang-ayon talaga ako na hindi
pa tayo handa sa tinatawag na
mass adoption. Dito pa lang sa Pilipinas, takot na ang marami sa atin dahil sa risk na sinasabi ng gobyerno (na totoo rin naman) at ng bangko mismo tungkol sa
cryptocurrency; mapa-coin man iyan o isang smartphone application (buti na lang ang Coins.ph kahit papaano naka-survive) o isang exchange platform.
Isa pa, kumbaga sa computer, ilang taon din ang kinailangan para sa mas magandang version nito at mas tanggapin ng mga tao sa maraming panig ng mundo. Konting hintay lang siguro, OP.