Bitcoin Forum
June 16, 2024, 07:17:03 AM *
News: Voting for pizza day contest
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: « 1 2 3 [4] 5 6 »  All
  Print  
Author Topic: Katas ng Crypto  (Read 1385 times)
roxbit
Member
**
Offline Offline

Activity: 294
Merit: 10


View Profile
September 01, 2018, 02:42:09 PM
 #61

        Mga kabayan nais ko pong i share sa inyo ang mga Business na unti-unti kong natutupad dahil sa katas ng CRYPTO. Ako po ay isang salesman lamang sa hardware sa isang maliit na mall dito sa probinsya namin, na may sahod na minimum of 310PHp.
        
          Nakilala ko ang crypto wayback march 2017 at tulad nyo din naranasan ko din ang mga mapapait na karanasan na dulot ng hindi pagsasaliksik ng maayos at napaka agressive ko kasi nuon sa mga investment sites na kala unan ay nagiging scam. Meron pang time na nangutang ako ng 10,000php at pinang invest ko lang sa isang investment platform na bumiktima sa akin . Nahirapan ako dahil 310php na nga lang ang sahod ko, madami pang pinagkaka gastusang obligasyon sabay mo pa ang binabayaran kong utang dahil sa pagka scam.
        
         Mula nuon ay hindi na ako sumali sa mga investments platform bagkos ay nagsikap ako matuto ng basic trading atleast ako ang may hawak sa sariling pera ko at ako ang lumalaro dito. Hindi ganun kalaki ang kapital ko kaya hindi din ganun kaganda ang kita ko sa tradings madalas marami din akong talo nuon dahil sa ako ay newbie pa.
        
         Naghanap ako ng ibang paraan upang kumita ng mas malaki at napasok ako sa pag bo-bounty hunting sa mga ICO projects. Nung una ay wala akong bilib sa bountyhunting gumawa lang ako ng account ko at pinabayaan ,hanggang sa sinubukan ko ulit nitong november dahil no choice na ako. Sumali ako sa isang ICO PROJECT using my signature account which is junior member palang nuon at so far naging successful ang 1st project na sinalihan ko, sa pagkakatanda ko ay naka 9,000php din ako sa project na yun I think nitong January lang ito. Sa second na signature campaign na sinalihan ko dito bongga ang nakuha ko naka 26,000php last April . So, over all may 35,000php akong income galing sa bounty. Swerte ding napasama sa isang team ng nagmomoderate ng isang ico project which is weekly din ang sahod ko duon
          
          Inisip ko na agad kung anong magandang business ang bubuksan ko sa mga capital na nakuha ko mula sa bounty. Sumagi sa isip ko na mas magandang may tradisyonal business muna akong magawa at umiwas muna sa mga materyal na bagay dahil di natin alam kung may for ever ba sa crypto. At dahil taga bukid lang kami na isip kong banatan ang  Agri-business.

BACK YARD PIGS

Medyo mabigat sa bulsa mag alaga ng baboy kaya tiyakin na may sapat na pondo at bawal tipidin ang pagkain ng baboy

PAGSASAKA

dahil nga taga bukid kami, magandang chance ito para sa akin

MUSHROOM FARMING

Bago pa lamang ako sa larangan na ito,actually kakasimula ko palang nuong august 1 at layunin kong mapalago at mapalaki ko ang business na ito.

Sa ngayon po ay medyo nakaka luwag narin sa buhay konti, sabi nga nila "SALARY WONT MAKE YOU RICH,BUT THE WAY YOU SPEND IT WILL DETERMINE YOUR FUTURE". Ito po ang pinang hahawakan ko sa buhay ko. So, payo lang po isipin nyong mabuti kung saan ba talaga mas mainam ilagay ang perang inyong natatanggap at maging madiskarte po tayo at wag susuko sa buhay. Pray lang lagi kay God. Salamat po sa pagbabsa mga kabayan  naway nabigyan ko kayo ng motivation sa buhay.



Napakagaling ng naisip mong gawin sa katas ng crypto mo sa halip na mga material na bagay gaya ng mga gadgets, cellphones, damit, sasakyan at kung anu-ano pang luho ay sa ang negosyo mo ito ibinuhos. Bravo sayo sana maging ehemplo ka para sa iba. Bilib ako sayo at gagayahin talaga kita. Salamat sa pag share ng iyong kwento dito.
The Cryptologist
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 546
Merit: 100


View Profile
September 03, 2018, 03:16:20 AM
 #62

Ako rin kabayan, ganyan rin ang balak ko. Ibang business nga lang dahil alam ko rin an wala pa ring kasigaruduhan ang crypto at butin na lang malaki-laki ang naitabi ko na pera na sasapat sa gastos sa napili kong tahakin at sigurado ko na sa maikling panahon ay bibilis ang pagyaman ko.
eugenefonts (OP)
Member
**
Offline Offline

Activity: 364
Merit: 18


View Profile
September 03, 2018, 03:59:46 AM
 #63

Ako rin kabayan, ganyan rin ang balak ko. Ibang business nga lang dahil alam ko rin an wala pa ring kasigaruduhan ang crypto at butin na lang malaki-laki ang naitabi ko na pera na sasapat sa gastos sa napili kong tahakin at sigurado ko na sa maikling panahon ay bibilis ang pagyaman ko.

Im looking forward to the business that you want to explore, nasa desiplina sa pera , mindset at tiwala sa Diyos ang susi sa tagumpay. Advice ko lang is 4th quarter na ng taon dapat ay wag bale walain din ang crypto sapagkat napaka unpredictable  ng mga ito baka sa susunod na araw magising nalang sila bigla. Try mo din mag invest kahit yung nasa coins.ph lang na crypto which is Ripple,Ethereum at BCH may future yang tatlong yan dahil hindi magsasayang ng panahon ang coins.ph kung wala silang mapapala sa coin na yan.
jimely0907
Newbie
*
Offline Offline

Activity: 199
Merit: 0


View Profile
September 03, 2018, 08:30:32 AM
 #64

san ka tumitingin ng mga weekly payment? gusto ko kasing mag ka signature na weekly payement para atleast hindi mahirap.
baguhan pa ako dito sa mundo ng crypto, nahihirapan kasi ako dahil mag isa lang ako hindi ko alam kung san yung magandang project. hanggang ngayon hindi ko pa nababawi yung mga na invest ko. hirap pag wala kang kasama na mapag tanungan mo. Sana mabigyan mo ako ng mga tips at advice sir. para maging isang tulad mo ako.
kaizerblitz
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 504
Merit: 105



View Profile
September 03, 2018, 08:34:24 AM
 #65

Magandang pinakita mong ihimplo kabayan sapagkat sa panahon ngayun mahirap talaga magkapera sa crypto mas madali at di gaano kabigat ang trabaho pero ito ay makakatulong sa huli upang maging puhunan sa gusto mo pasukan na negosyo Salamat sa hatid na inspirasyon kabayan.
paulo013
Member
**
Offline Offline

Activity: 195
Merit: 10


View Profile
September 03, 2018, 10:03:30 AM
 #66

Nakakainspire naman kabayan yang naipundar mo. Sayang nga lang noong nagpump ang bitcoin at altcoin. Hindi ko naisip na maginvest ng panghanap buhay ng katulad ng sayo. Next pump ito na talaga uunahin ko.
dlaniger31
Newbie
*
Offline Offline

Activity: 27
Merit: 0


View Profile
September 03, 2018, 02:20:31 PM
 #67

Napakaswerte nyo naman po at malaki agad naipon nyo ng dahil sa crypto. Ako nung nagstart sa crypto naging scam agad, bitconnect yung sinalihan ko. Ininvite ako nv kaibigan ko na sumali noong Nobyembre 2017 pagkalipas ng tatlong buwan bumagsak na ang Bitconnect, wala ni piso akong nagwithdraw dahil nireinvest ko lahat sa pag-aakalang lalaki ang kita ko. Di ako tumigil at sumubok parin ako ng iba pero ganun parin bumagsak at nawala. Ngayon nagtratrading nalang ako, bounty at airdrop. Sumali din ako sa forum na nakaipon ako ng 1 ETH at un ginamit ko na puhunan para sa trading at legit investments ko. Ngayon medyo bumabawi na ako sa mga nawala sakin ng dahil sa mga scams.
hachiman13
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 378
Merit: 102



View Profile
September 03, 2018, 03:50:55 PM
 #68

Nakakainspire naman kabayan yang naipundar mo. Sayang nga lang noong nagpump ang bitcoin at altcoin. Hindi ko naisip na maginvest ng panghanap buhay ng katulad ng sayo. Next pump ito na talaga uunahin ko.
Dito na rin papasok kasi ung pag-diversify ng investments mo. Sad to say na marami ang hindi parin naiintindihan ang napakahalagang bagay na ito. Marami kasing nagsasabi na solid investment ang bitcoin o iba pang crypto pero ang totoo talaga, hindi.
Adreman23
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 1366
Merit: 107


SOL.BIOKRIPT.COM


View Profile
September 04, 2018, 02:28:44 AM
 #69

Ayos ang diskarte mo kabayan sana ay lumaki pa lalo ang iyong agri business. Kapag may tyaga talaga ay may nilaga. Magandang motivation eto kasi yung iba ay binibili agad ng mga gadget o kung ano anong mga bagay na pampayabang lang tama na ipang business na lang muna para lumago pa ang pera na kinita sa crypto.

AlaEhBTC
Jr. Member
*
Offline Offline

Activity: 308
Merit: 3


View Profile
September 04, 2018, 09:15:53 AM
 #70

nakakainspire nman to sa mga tulad ko na baguhan pa lang lalo na sa pagsali sa mga bounty, kanina lang yung isa kong sinalihan na signature campaign ay nawala na at di daw naabot ang softcap. Sana sa mga natitira kong bounty ay makaswerte din ako bago man lang matapos tong taon.
kaya11
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 1316
Merit: 110


SOL.BIOKRIPT.COM


View Profile
September 04, 2018, 09:22:06 AM
 #71

Nakakaantig ng puso ang iyong karanasan, ngayon napag isip isipan ko na ring mag ipon para sa pagpatayo ng aking magiging negosyo. Dati rati ay walang humpay ang pagbili ko ng gamit para sa aking sarili ngayon ay naiba ang ihip ng hangin at marami na ding nagbibigay ng payo sakin. Hirap ng walang perang mapagkukunan ngayon pa man ay may pamilya ka nang bubuhayin, sa crypto space din ako tumatambay at sa forum na to. Laking tulong na naibigay nito sakin kaya pagpapatuloy ko ang paglahok sa forum na ito.

congresowoman
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 448
Merit: 103



View Profile
September 04, 2018, 09:47:18 AM
 #72

Wow kabayan. Napagandang testimony mo itong pinost mo. Really nakakamotivate na magong respinsable at maging masinop tayo maging sa paggastos ng pera na sinasahod natin dito. Though masasabi mong di talaga ganun pinaghirapan ang pagkita, napatunayan lang nito na malayo ang mararating ng taong may ambisyon sa buhay. Okay na naging daan ang cryptocurrency sa pag angat ng kalidad di lang ng buhay mo, kundi nating lahat.

BitNotByte
Member
**
Offline Offline

Activity: 227
Merit: 10


View Profile
September 04, 2018, 05:34:33 PM
 #73

Magandang aral to para sa iba, para na din sakin. hehe kasi yung kinita ko sa mga past bounty reward ko, ibinili ko ng mga token kaya ngayon stand by pa din ako kasi sobrang baba ng halaga ng mga token, siguro tatagal pa ng mga taon bago ko mabawi yung kita ko sa mga binili ko na token. Di ko naisip na mag business na ng actual na business talaga para nakikita mo ng aktuwal kung saan umiikot ang pera. galing kabayan!  Grin Wink

Edraket31
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 1190
Merit: 511



View Profile
September 04, 2018, 08:13:43 PM
 #74

Magandang aral to para sa iba, para na din sakin. hehe kasi yung kinita ko sa mga past bounty reward ko, ibinili ko ng mga token kaya ngayon stand by pa din ako kasi sobrang baba ng halaga ng mga token, siguro tatagal pa ng mga taon bago ko mabawi yung kita ko sa mga binili ko na token. Di ko naisip na mag business na ng actual na business talaga para nakikita mo ng aktuwal kung saan umiikot ang pera. galing kabayan!  Grin Wink
Dapat lang po yan na huwag natin sayangin ang mga oras natin dito sa mundo ng crypto ngyayari na sa buhay natin ang ganitong opportunity at alam natin na hindi na to mawawala pero mainam pa din na kahit papaano ay magamit natin sa tama lahat ng mga ginagawa natin at mga kinikita natin tulad ni OP na nagamit nya sa tama ang kanyang pinaghirapan.

eugenefonts (OP)
Member
**
Offline Offline

Activity: 364
Merit: 18


View Profile
September 04, 2018, 11:03:28 PM
 #75

Magandang aral to para sa iba, para na din sakin. hehe kasi yung kinita ko sa mga past bounty reward ko, ibinili ko ng mga token kaya ngayon stand by pa din ako kasi sobrang baba ng halaga ng mga token, siguro tatagal pa ng mga taon bago ko mabawi yung kita ko sa mga binili ko na token. Di ko naisip na mag business na ng actual na business talaga para nakikita mo ng aktuwal kung saan umiikot ang pera. galing kabayan!  Grin Wink
Dapat lang po yan na huwag natin sayangin ang mga oras natin dito sa mundo ng crypto ngyayari na sa buhay natin ang ganitong opportunity at alam natin na hindi na to mawawala pero mainam pa din na kahit papaano ay magamit natin sa tama lahat ng mga ginagawa natin at mga kinikita natin tulad ni OP na nagamit nya sa tama ang kanyang pinaghirapan.


Mas maganda kung tripple source of income ka, may trabaho ka,Crypto, at business mindset at determination lang ang kailangan para saan bat kung talagang naka focus ka sa tagumpay ay dun ka talaga pupunta. Tyiaga,sipag ,karunungan at diskarte tiyak na aahon tayo.
darchelleXI
Newbie
*
Offline Offline

Activity: 56
Merit: 0


View Profile WWW
September 05, 2018, 01:12:46 AM
 #76

Yan ang katas ng crypto! Nakakatuwang makakita ng umaasensong pinoy dahil dito sumali ako ngayon sa signature campaign at sana makatulong din ito sa pang araw araw kong gastusin. Good job po marami kayong maiinspire dito sapagkat nagbunga ang lahat ng iyong pinaghirapan.
TamacoBoy
Newbie
*
Offline Offline

Activity: 62
Merit: 0


View Profile
September 05, 2018, 03:00:46 AM
 #77

Nakakatuwa nga din at may mga estudyante din dito. Nagagamit nila Yung kinikita nila dito para kahit papaano ay nagagamit sa mga gastusin say mga project na Hindi na kailangan pang humingi Mula sa kanilang magulang. Ipagpatuloy Lang natin Ang pagbibigay NG wastong impormasyon upang mas marami pang kababayan natin ang Makita Ang tunay na potensyal ng crypto.
mindsstoner.05
Newbie
*
Offline Offline

Activity: 38
Merit: 0


View Profile
September 05, 2018, 06:59:40 AM
 #78

https://i.imgur.com/g3HnBMt.jpg

Resulta ng aking pagtatyaga sa loob ng ilang buwan at pag lalaan ng oras nakalikom ako ng sapat ng pera para sustentuhan ang aking pagangailangan sa pang araw araw at dahil dito na eenganyo ako na ipagpatuloy ko ang aking pag kicrypto. marami na din akong nabili na noon pinapangarap ko lamang at nabibigyan ko na din ng pera ang magulang ko at nakakatulong ako sa kanila kahit papano sa mura kong edad malaking tulong talaga ang crypto sa kahit na sinong tao na nangangarap na makuha ang gusto nila at gustong makatulong sa pamilya tulad ko. Nagawa ko na din tustusan yung pagaaral ko ng dahil sa crypto kaya malaki ang utang na loob ko sa Crypto dahil dito.
shinharu10282016
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 700
Merit: 100


View Profile
September 05, 2018, 08:54:59 AM
 #79

Nice sa mga katas ng crypto. Ako marami na rin napundar may sariling built na PC for bounty, nakabili ng double deck, nakabili ng TV etc., Masaya nga actually kumita sa crypto. Ang problema lang baka sa sobrang laki ng kita mo e siraan ka ng mga kapitbahay mong makakakita. Ganyan kasi mga pinoy, konting angat mo sa buhay ngalngal e. May kilala ako, nakapagpatayo na ng bahay yun nga lang kulang pa. Wala pang yero pero may pundasyon na. Smiley
eugenefonts (OP)
Member
**
Offline Offline

Activity: 364
Merit: 18


View Profile
September 05, 2018, 12:06:40 PM
 #80



Resulta ng aking pagtatyaga sa loob ng ilang buwan at pag lalaan ng oras nakalikom ako ng sapat ng pera para sustentuhan ang aking pagangailangan sa pang araw araw at dahil dito na eenganyo ako na ipagpatuloy ko ang aking pag kicrypto. marami na din akong nabili na noon pinapangarap ko lamang at nabibigyan ko na din ng pera ang magulang ko at nakakatulong ako sa kanila kahit papano sa mura kong edad malaking tulong talaga ang crypto sa kahit na sinong tao na nangangarap na makuha ang gusto nila at gustong makatulong sa pamilya tulad ko. Nagawa ko na din tustusan yung pagaaral ko ng dahil sa crypto kaya malaki ang utang na loob ko sa Crypto dahil dito.

Mahusay ka kabayan, madiskarte ka rin sa pera dapat ay isipin mo narin ang iyong future at wag magpadala sa pansamantalang biyaya bagkus ay pag isipian kung paano pa ito dodoblehin. Mabuti ka ring anak dahil hindi ka madamot sa iyong pamilya at ikaw narin ang nagtutustos sa pag aaral mo. Wag ka lang makaka limot sa Diyos at wag puro Bounty ang atupagin mag ambag ka rin para sa ikaka buti ng forum.
Pages: « 1 2 3 [4] 5 6 »  All
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!