ang problema siguro sa mga nag-multiple account sa mga dummy lang umiikot ang mga smerit nila at dahil don hindi na nabibigyan pansin ang ibang newbie na nag bibigay effort sa mga post nila. at ang iba naman ay binebenta ang dummy account nila na may merit na o kaya naman ay nag bebenta sila ng smerit sa mga newbie.
Isang bagay rin na aking napapansin, marami ang mga may post na kung titingnan ay talagang kwalipikado para bigyan ng merit dahil nakakatulong naman sa iba, at maayos ang pagkakalahad ng mga impormasyon, pero hindi ito nabibigyan ng merit, hindi kulang alm kong anung dahilan, marahil ay hindi pasado sa standard ng mga merit source o di kayay hindi lang nabibigyan ng pansin.
Malaking problema ang merit sa pagpapataas ng ranko, pero maganda naman ang layunin nito, nagiging hindi lang maganda sa paningin ng iba dahil nadin sa ginagawa ng ibang miyembro, kung baga ang tao na ang nagbibigay ng ibang kulay sa magandang anyo ng merit.