Ayon sa kinaugalian, ang mga proyekto ay nagpo-post ng kanilang mga anunsyo sa bounty campaign sa bitcointalk.org
[Bounties (Altcoin) board] forum na siyang pinakamalaking forum ng cryptocurrency. Ang Bitcointalk forum ay nagbibigay-daan sa mga user nito na mag-post ng isang thread na nagpapahayag ng kanilang mga proyekto nang walang gastos at karamihan sa mga proyekto ay natural na magsimula doon. Ang thread ay kadalasang naglalaman ng mga tagubilin kung paano mapapatakbo ang Bounty Campaign at kung paano magparehistro at makumpleto ang kanilang mga lingguhang aktibidad.
Karaniwan, Ang mga Bounty Campaign ng isang proyekto ay naglalaman ng mga Campaign tulad ng Social Media Campaign, Video Campaign, Blog Campaign, Translation Campaign, Telegram Campaign at Signature Campaign. Nalubhang nakakatulong sa isang proyekto upang makakuha ng mga mamumuhunan sa ibat ibang lugar sa mundo.
Ang Social Media Campaign ang pinakamaraming kalahok sa isang campaign dahil madali lang ang mga patakaran dito. Sa Social Media Campaign, Ang mga kalahok ay kailangang magkaroon ng Social media account tulad ng Facebook, Twitter at Instagram. Upang makakuha ng stake sa Campaign na ito, dapat mayroong madaming Friends/Followers sa isang Social media upang makamit mo ang pinakamataas na stake kada linggo.
Ang Video Campaign ay Isa sa mga Campaign na mahirap salihan. Sa Video Campaign, ang mga kalahok ay kailangan gumawa ng video tungkol sa mga katangian, gamit, konsepto, aplikasyon at kahalagahan ng isang proyekto. Ang isang Video ay maaaring Vlogging, Infographics at Review na patungkol sa proyekto na madalas ipinapaskil sa Youtube. Bakit nga ba mahirap sumali dito ? Dahil karaniwan ang kinakailangang subscriber ay dapat mayroong 100-500 subscriber sa YouTube.
Ang Blog Campaign ay pagsusulat ng isang artikulo tungkol sa isang proyekto. Karaniwan Ipinapaskil ang isang artikulo sa Medium, Reddit, at WordPress. Lubhang mahirap din sumali dito dahil kinakailangang mayroong bumibisita o bumabasa sa iyong gawa na at may kalidad iyong pagsusulat na pinagbabasehan ng pagkuha ng stake.
Ang Translation Campaign ay ang pagsasalin ng wikang Ingles sa ibang wika. Pinakamahirap makasali sa Campaign na ito dahil Isa lamang sa bawat bansa ang maaaring makuha dito ngunit kapag ikaw naman ay nakuha malamang malaki ang iyong makukuhang token. Sa Translation Campaign ka makakakuha ng pinakamaraming volume ng token dahil iilan lamang ang nakakasali dito.
Sa Telegram Campaign maaari kang sumali dito sa mga madaling patakaran. Karaniwan, kailangan mong sumali sa isang Telegram Group at makipag talakayan, suotin ang kanilang logo, lagyan ng website nila ang iyong pangalan o Mayroon kang sariling channel o group na ikaw ang Admin upang i-market ang isang proyekto. Kailangan mo ng madaming member sa iyong group upang makakuha ng malaking stake.
Sa Signature Campaign, kailangan mong magsuot ng signature ng isang proyekto, magpost sa ibat ibang board sa bitcointalk. Makakakuha ka rin dito ng maraming token kung mataas ang iyong rank. Bihira lamang na tumatanggap ng Newbie rank ang isang proyekto, kadalasan ay Jr.Member pataas.
Habang aktibo ang kampanya, gagawin ng mga user ang pang-araw-araw o lingguhang aktibidad ayon sa mga panuntunang nakasaad sa nai-post na anunsyo. Ang mga aktibidad na ito ay maitatala sa ilang spreadsheet, karaniwang mga Google sheet upang malaman mo ang iyong stake o kung ikaw ay tanggap sa isang Campaign. Sa sandaling tapos na ang kampanya, kakalkulahin ng bounty manager ang mga stake ng bawat indibidwal, makakuha ng kabuuang mga stake at tukuyin kung magkano ang halaga ng bawat stake ay ipapadala ang mga token sa mga kalahok. Sa karamihang kaso, upang maiwasan ang pagbagsak ng presyo ng token kaagad na nakalista sa isang palitan "exchange" ang isang token, maaaring maantala ng bounty manager ang pagpapalabas ng mga token na ito hanggang lumipas ang mga linggo/buwan. Gayunpaman, ang palagay na ito ay hindi tumpak dahil ang mga bounty hunter ay hindi tunay na nakakakuha ng maraming mga token na ang kanilang pagbebenta ng mga token ay lubhang makakaapekto sa presyo ng token, ang palagay na dahil ang mga token na ito ay hindi binabayaran para sa pananalapi, mas madali para sa may-ari na itapon ito.
Gayunpaman, ang katotohanan ay maaaring maging ang mga mamumuhunan at ang koponan ay ang mga taong nagtatapon ng pinakamarami at nagiging sanhi ng pagbagsak ng presyo. Sa oras na matanggap ng mga bounty hunter ang kanilang mga token, ang halaga ng token ay lubhang bumabagsak kaya nawawalan na ng halaga ang kanilang naiambag para dito. Ang ganitong mga pangyayari ay hindi nangyayari sa lahat ng proyekto bagkus karamihan sa mga ito.