Sa totoo lang ito ang napakalaking problema sa maraming tao na involved sa cryptocurrency lalo na yung mga baguhan syempre di natin sila masisisi kasi sa dami ng impormasyon na dapat nating malaman minsan di mo na alam kung alin ang uunahin. We live in the age of information but due to its volume we can be confused and become clueless instead...victim s of information overload. Dapat talaga we have to be careful at pagtuunan ang dapat malaman sa pag gamit ng mga bagong technology tulad ng Ledger Nano.
Tama ka dyan brother, kaya dapat talaga ay palakasin natin ang information campaign natin dito sa local thread, para naman kahit papaano ay makatulong tayo sa mga baguhang papasok sa Cryptocurrency at upang di sila madala.
Siguro naman kasi ang pinakasimple lang para hindi mabiktima ang mga newbie eh huwag kaagad maniwala sa mga nababasa, kailangan parin nila ng ibang opinyon at ito ay makukuha sa pag research. Minsan kasi ang ginagawa nila eh may marinig lang sila na gantong bagay eh mag conclude na kagad. Kumbaga, learning is a continuous process.