Bitcoin Forum
November 10, 2024, 10:49:57 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 28.0 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1] 2 3 4 5 »  All
  Print  
Author Topic: Katapusan na ba nang CRYPTOCURRENCY o SIMULA palang ito?  (Read 18687 times)
sheynlee18 (OP)
Copper Member
Jr. Member
*
Offline Offline

Activity: 266
Merit: 9

Kill E'm With Kindness

View Profile
November 16, 2018, 04:47:28 AM
 #1

Marahil ang katanungan kong ito ay sadyang natural na lang sa inyong lahat o di kaya naman ay naging diskusyon na ito nung nakaraan pero gusto kung gawing diskusyon ulit ito dahil ito ang bumabalot sa aking isipan sa nakaraang mga buwan. Sa inyong palagay katapusan na ba ito nang cryptocurrency at sobrang hinog na ba ito para tuluyan nang bumagsak? O di kaya naman ay nagsisimula palang ito at naghihintay lamang na pumutok at maging popular na sa boung mundo at maging pangunahing solusyon sa problema sa digital currency?

Ako lamang ay nangangamba na baka ito na ang huling sibol nang crypto world dahil sa isang hudyat na naman nang pagbaba nang BTC kasama ang boung merkado nang cryptocurrency !

Dahil mula sa P332,667.00 noong November 13,2018 ay bumagsak ito nang mas mababa pa at naging P292,235 nalang at sa aking palagay ay mas maging mababa pa ito lalo na papasok na ang december di tulad nung nakaraang taon ay pag pasok nang november ay unti-unti itong umaakyat hanggang sa na abot nito ang kaniyang AHT [All Time High]. Marami na din ngayon ang mga SCAM na ICO na isa rin sa naging rason nang pag ka walang gana nang mga investors.

Pero meron din namang liwanag na nakikita ang cryptocurrency dahil unti-unti na itong na integrate sa aktwal na buhay at dag-dag mo pa dun ang pag lift nang China sa bitcoin ban at maging rason upang maabot nito muli ang kanila AHT [All Time High]. Pero hindi parin ako sigurado kung Katapusan na ba nang CRYPTOCURRENCY o SIMULA palang ito?

Kaya gusto kung masagot ang mga katanungang ito! Ako po ay isang baguhan lamang at konti palang kaalaman ko sa crypto world kaya po ako ay nagtatanong sa inyo nito dahil alam ko na mas marami kayong karanasan at ayaw ko din na ako ay huli na sa pag pasok sa crypto world. Marami pong salamat sa pag basa nang aking thread. More power sa inyong lahat !

Muzika
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 980
Merit: 261

View Profile
November 16, 2018, 05:14:43 AM
 #2

kung susumahin natin ang industriya ng cryptocurrency e matagal ng nagrurun higit sampung taon na ito sa industriya, kung titignan naman natin ito sa presyo dahil sa bumabagsak na magandang indiskasyon ito na maaring mdaming pumasok sa industriya dahil makakabili sila sa murang halaga. Dahil na din sa popularidad ang interes ng mga bansa dto marahil sa mga susunod na taon e magkaroon ng magandang pangyayare na ikakatuwa ng lahat.
anamie
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 485
Merit: 105

View Profile
November 16, 2018, 05:55:39 AM
 #3

Kadalasan sa ganitong buwan talaga babagsak ang presyo ng bitcoin dahil marami sa atin ang nagcoconvert into fiat dahil sa palapit na ang pasko, wag mong isipin na katapusan na ito ng cryptocurrency Op dahil hanggat meron pang tumatangkilik sa crypto hindi ito babagsak.
DigitalMoneyBits
Jr. Member
*
Offline Offline

Activity: 141
Merit: 2

View Profile
November 16, 2018, 06:23:47 AM
 #4

Hindi naman siguro katapusan ito ng crypto currency porke bumagsak ang presyo nangyayare naman talaga ito taon taon like nung 2016 nag pump ng $1k ata yun then bumagsak ng 700$ Pero nakabawi antay lang ang kailangan gawin para bumalik sa dati at mahigitan pa ang pinakamataas na presyo tsaka mag december na maaaring ayaw mag invest ng mga investor since puro gastos ngayung december. Kung my pondo lang ako ngayun bibili ako pero hindi bitcoin kundi ethereum hehe sobrang baba ng presyo kaso gipit lang ako ngayun

ELISIA       │       Free, Instant Transactions!!! DAPPS!!!
The Blockchain Revolution Has Begun
Adreman23
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 1366
Merit: 107

SOL.BIOKRIPT.COM

View Profile
November 16, 2018, 07:00:47 AM
Last edit: November 16, 2018, 07:24:46 AM by Adreman23
 #5

     Halos sampung taon na mula ngayon ang bitcoin simula ng likhain eto ni Satoshi Nakamoto. Yung mga early adopters/investors noon ng bitcoin na maaga ring nag benta ng kanilang bitcoin ay sising sisi sa kanilang naging desisyon tulad halimbawa noong 2010 na ipinagpalit ang 10,000 bitcoin bayad sa dalawang pizza.

     Ang nais kung iparating kung babagsak ang bitcoin noon pa sana at hindi na eto tatagal pa ng sampung taon. Siguro kung titingnan maaaring hindi natin masasabi na eto ay simula pa lang ng bitcoin at hindi rin natin masasabi na eto na ang katapusan nya pero para sa akin nasa kalagitnaan pa lang tayo ng bitcoin ngayon at napakalayo pa sa katapusan. Hindi natin masasabing simula pa lang dahil medyo late na tayo na nag invest at hindi tayo nakabili noong napakamura pa ng bitcoin at hindi rin katapusan dahil unang una ang ATH na nangyari sa price ng bitcoin ay noon lang nakaraang taon ng 2017, ano yun lumipas lang ng isang taon pagkatapos ng ATH ay katapusan na? At nasabi kong napakalayo pa sa katapusan ng bitcoin dahil kung iisipin natin ang mga natitirang bitcoin na miminahin ay matatapos pa sa year 2140 pero hindi nangangahulugang kapag namina na ang lahat ng bitcoin ay katapusan na nito dahil tuloy tuloy pa din eto. At yung taong year 2140 kung saan matatapos minahin ang lahat ng bitcoin malamang lahat tayong nabubuhay ngayon ay alabok na noon.

    Sa akin lang ay wag tayong maging negatibo kapag ang presyo ng bitcoin ay bumabagsak dahil isa lang ang ibig sabihin nyan mababa ang demand o may lumabas na masamang balita laban sa bitcoin. Hindi ibig sabihin na kaya pabagsak ay katapusan na nito dahil eto ay normal lang minsan pababa at minsan naman ay pataas, may mga bumibili at may mga nagbebenta.

Insanerman
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 1162
Merit: 450

View Profile
November 16, 2018, 08:15:10 AM
 #6

This is the best time to enter the market. Surprisingly, bitcoin history is just repeating itself, ganyan din yung mindset ng iba kapag bumababa ang price ng bitcoin.

Take a look at this meme  Cheesy. This explains everything.

Photo Credit: Crypto Crunch App
malcovi2
Member
**
Offline Offline

Activity: 1104
Merit: 76

View Profile
November 16, 2018, 09:04:04 AM
 #7

Bitcoin has died 316 times
source: https://www.99bitcoins.com/bitcoinobituaries/amp/

Bagani
Member
**
Offline Offline

Activity: 375
Merit: 18

send & receive money instantly,w/out hidden costs

View Profile
November 16, 2018, 09:04:38 AM
 #8

Isa lang ang masasabi ko dito, ito na ang tamang pagkakataon para magimpok ng mga bitcoin or altcoins. Ganyan talaga sa crypto sobrang volatile kaya nakita natin ang matinding pagdump ng bitcoin dahil kaya pang kontrolin ng iilang tao ang presyo nito pero once na mas dumami pa ang mga nagadopt sa cryptocurrency masasabi kong malabo na itong kontrolin ng iilang tao.

miyaka26
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 476
Merit: 105

View Profile
November 16, 2018, 10:29:01 AM
 #9

Bitcoin has died 316 times
source: https://www.99bitcoins.com/bitcoinobituaries/amp/
Normal pa nga to kung tutuusin hindi niyu pa nasaksihan ang napakalaking dumps sa kasaysayan ng bitcoin kaya ilang beses nabang pinatay ng media ang bitcoin which is 316 times, dapat dati pa nawala to nung mababa pa ang volume at hindi pa kasikatan pero hanggang ngayon buhay pa din, balewala lang yan kahit 20% pa ang dump dahil normal yan sa mundo ng cryptocurrency, may chance na magincrease to before and during the month of December.

aervin11
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 602
Merit: 103

View Profile
November 16, 2018, 10:45:41 AM
 #10

Cryptocurrency is here to stay. Ang teknolohiyang ito ay hindi na mawawala at kaugnay doon sa presyo, sa tingin ko dahil masyadong naging mataas ang "All time high" ay nandito tayo ngayon sa correction stage na kung saan kailangan mapatunayan ang halaga ng bawat cryptocurrency na angkop sa presyo nito. Mayroon ding nangyayaring kaguluhan mula sa "Team BitcoinCash" at "Team Bitcoin" kung kaya't nahihirapang umusad ang crypto para sa Regulation o ETF para sa mga bagong mamumuhunan kaya napakabagal ngayon ng adaptation.
Westinhome
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 1638
Merit: 518

OrangeFren.com

View Profile WWW
November 16, 2018, 12:19:38 PM
 #11

Sa tingin ko hindi pa naman katapusan ng crypto ngayon alam naman natin na mag recover naman ulit yan kaya wag muna masyado mag panic. Parang yung iba dito nag papanic na dahil sa sobrang pagbagsak ng bitcoin or anumang ibang coins sa market. Actually palagi naman ganyan ang crypto minsan babagsak at tataas din kaya relax muna at hold lang ang coins na meron tayo.

DonFacundo
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 1344
Merit: 102

View Profile
November 16, 2018, 12:28:13 PM
 #12

paulit ulit nalang sinasabi dito sa forum na katapusan na ang bitcoin.. ang presyo lang naman ang bumaba pero ang pag gamit sa bitcoin patuloy lang,, tignan niyo sa chart ng bitcoin sa taong 2014 malamang marami nakapagsabi din na kataposan na ang bitcoin pero ngayon umabot na tayo sa taong 2018 buhay pa naman ang bitcoin. Huwag kayo mag panic normal lang ito tataas din ang bitcoin.

Rhizchelle
Jr. Member
*
Offline Offline

Activity: 59
Merit: 1

View Profile
November 16, 2018, 02:10:56 PM
 #13

Marahil bumaba ang presyo ng Bitcoin sa sunod-sunod na buwan, pero hindi pa po ito ang katapusan ng Cryptocurrency, darating din ang buwan na tataas din ulit ang Bitcoin.
superving
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 938
Merit: 101

View Profile
November 16, 2018, 03:02:18 PM
 #14

Ilang beses na nilang sinabi na katapusan / patay n si bitcoin pero anjan pa rin at mas lalo pang lumalakas.  Di ko alam kung correction pa din itong nangyayari ,pero may kutob ako na may mangyayaring maganda sa mga susunod na araw.

queennathalia
Member
**
Offline Offline

Activity: 434
Merit: 15

View Profile
November 16, 2018, 03:39:23 PM
 #15

This is the best time to enter the market. Surprisingly, bitcoin history is just repeating itself, ganyan din yung mindset ng iba kapag bumababa ang price ng bitcoin.

Take a look at this meme  Cheesy. This explains everything.

Photo Credit: Crypto Crunch App
Nagiiyakan na sila agad. Kasi hindi pa naman nila siguro alam ang ganyang cycle ng bitcoin kasi baguhan lang siguro sa crypto ang magiisip agad ng ganyan. O kaya ung mga taong ayaw talaga ng bitcoin. naisip ko lang maaring ganyan din. Parang taong maarte lang yan sa katawan, Nagkasakit lang konti feeling na mamamatay na sya.
sheynlee18 (OP)
Copper Member
Jr. Member
*
Offline Offline

Activity: 266
Merit: 9

Kill E'm With Kindness

View Profile
November 16, 2018, 11:19:10 PM
 #16

This is the best time to enter the market. Surprisingly, bitcoin history is just repeating itself, ganyan din yung mindset ng iba kapag bumababa ang price ng bitcoin.

Take a look at this meme  Cheesy. This explains everything.

Photo Credit: Crypto Crunch App
Nagiiyakan na sila agad. Kasi hindi pa naman nila siguro alam ang ganyang cycle ng bitcoin kasi baguhan lang siguro sa crypto ang magiisip agad ng ganyan. O kaya ung mga taong ayaw talaga ng bitcoin. naisip ko lang maaring ganyan din. Parang taong maarte lang yan sa katawan, Nagkasakit lang konti feeling na mamamatay na sya.

Nakamulatan ko na kasi na pag simula ko nang bitcoin nung november last year ay sadyang npakabilis ang pag taas nang bitcoin hanggang noong december kaya nga naman ay nag tataka ako kung bakit ganun at hanggang ngayon ay dinadagdagan ko parin ang aking kaalaman sa mundo nang crypto world.. hindi naman ako kumokuntra sa pag bagsak nang bitcoin kung di ako ay lubos na sumusuporta sa pag akyat nito at pagiging popular sa lahat dahil ito ang isa sa pinakamalaking naiambag nang tao sa mundo nang currency at internet at alam ko din na sobrang malaki ang maitutulong nito sa ekonomiya nang di lang nang isang indibidwal kung hindi pati na rin sa ekonomiya nang isang bansa. ^_^

zenrol28
Copper Member
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 896
Merit: 110

View Profile
November 16, 2018, 11:38:58 PM
 #17

Yung mga sakim na tao lang ang mga nagluluksa kapag bumababa ang value ng bitcoin eh. Kasi liliit na naman kita nila. Nagsimula ang bitcoin na walang value kaya kahit magpasirko sirko ang market lumaki pa rin ang value ng bitcoin from 0. Ang magiging katapusan ng bitcoin at ng ibang cryptocurrency kapag lahat sila bumalik na sa 0 ang value. Kaya ituring na lang naten na may SALE ang market kapag may malaking dip.
Gotumoot
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 1372
Merit: 261

View Profile
November 17, 2018, 08:11:48 AM
 #18

Hindi pa katapusan ng bitcoin at ng crypto currency. Ganito lang talaga ang ikot sa mundo ng crypto currency may pagkakataong tumataas at bumabagsak. Kaya naman kung hindi mo kayang tanggapin ang pangyayaring ito lalo na ang pagbagsak ay wag ka ng pumasok sa larangan ito dahil malulugi ka lang at mauubos ang iyong pera.
Papcio77
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 841
Merit: 251

View Profile
November 17, 2018, 09:27:01 AM
 #19

Wala naman bagong kaganapan eh, yang dump market nakikita na natin Yan taon taon Ang pinag kaiba Lang Kaya mukang grabe Ang bagsak NG Bitcoin ay dahil grabe Rin Ang price na inakyat nito diba pero Kung porsyento Ang kukunim natin halos pareho Lang Yan. Oo nadom na tayu sa grabeng down pero sa tingin ko masyado NG malayo ang tinakbo NG crypto at mahihirap not ng pabagsakin ito
Palider
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 1273
Merit: 507

View Profile
November 17, 2018, 10:48:31 AM
 #20

Maraming beses na natin nakita ang mga ganitong pangyayari kaya naman wag tayo mawalan ng pag asa. Ang ganitong mga sitwasyon ay natural lamang lalo na't tayo ay nasa mundo ng crypto. Ang pangyayari na ito ay pwedeng nagbabagyang biglaang bullrun o kung ano man ang ibig sabihin nito ang mahalaga ay wag tayong mawalan ng pag asa at ipagpatuloy natin ang ating paniniwala sa bitcoin at sa crypto currency ng may pag iingat upang hindi mabiktima ng mga scammers.
Pages: [1] 2 3 4 5 »  All
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!