At ang isa kanilang benipisyo ay ito "If you keep your ZEREX Tokens in the exchange wallet, you will be paid 2% Weekly".
Isa na namang "to good to be true" na offer. Ang hirap naman ata paniwalaan na bago pa lang sila pero may ganito na agad, saan naman nila kukunin yung funds para dito? For sure naman na hindi iyon manggagaling sa kani-kanilang mga bulsa dahil nalugi naman agad sila bago pa man mag umpisa exchange nila. Nakakapanghinala at nakakatawang isipin at the same time
.
Hindi ba sila malulugi nun kung nandun lang ang token at binabayaran nila ng 2% per week. O baka balak lang din nila itakbo ang token/pera na binili galing sa kanila.
The moment pa lang na nagtanong ka tulad ng ganito, masasabi mo na sa sarili mo na ito ay posibleng scam nga. Well, mahirap pa rin naman magsalita ng tapos pero kung ako sayo ay iwasan mo na lamang ito. Kung talaang gusto mo gimamit ng exchange mas mainam pa kung pipiliin mo yung legit at matagal na ang operation such as Binance, Poloniex and Bittrex.