|
April 06, 2019, 04:56:27 AM |
|
Tama dahil bansa ang Pilipinas, sa English 'Philippines', ang Pilipinas ay nagmula sa Hispanized word Filipinas, ang old Spanish name ng bansa ay Las Islas Filipinas. Subalit may kaunting kalituhan kapag pinag-uusapan ang Filipino at Pilipino... ano nga ba ang kaibhan ng dalawang kataga sa bawat isa? Ang Filipino ay ang Hispanized o Anglicized na pamamaraan na tumutukoy sa parehong mga tao at wika sa Pilipinas. Tandaan na tama rin sabihin na ang Filipino ay para sa isang lalaki at ang Filipina para sa isang babae. Sa kabilang panig, ang Pilipino ay kung paanong tinutukoy ng mga naninirahan sa Pilipinas ang kanilang sarili, o sa kanilang pambansang wika. Pero kung ia-apply natin ito, ang Pilipino ay magkasingkahulugan sa Tagalog o ang wikang ginagamit sa Metro-Manila, Bulacan, Bataan, at CALABARZON.
Ang "P" o "Ph" ay ginagamit sapagkat ang karamihan sa mga wikang Filipino ay walang tunog na "F" (maliban sa ilang katutubong tao sa Cordillera at Mindanao, tulad ng Ifugao at Teduray). Ang "Ph" ay mula kay Philip, ang Ingles na katumbas ng haring Espanyol na si Haring Felipe II.
|