Natutuwa ako at isang malaking bangko dito sa Pilipinas ang di takot makilahok sa sinasabi ng maraming scam daw ang bitcoin ... Panahon na para mamulat ang Pilipino na ang bitcoin ay hindi scam.
Dahil sa maling gawain ng mga tao slash scammers, nakikita ng ibang mga Pinoy na ang cryptocurrency, lalo na ang Bitcoin, ay isa ring scam o hindi magandang ideya. Hindi ako sigurado kung paano ang magiging transaksyon sa Bitcoin ATM, bilang crypto user, nagagalak din ako na maglalabas ng ganito ang UnionBank. Pero dahil hindi naman marunong magbago ang mga Pinoy, lalo na ang mga walang alam gawin kundi ang mandaya at manloko ng kapwa, kung sakaling magiging anonymous (hindi kailangan ng anumang personal na impormasyon) ang transaksyon, maaaring maging advantage na naman ito ng mga scammer.