ICO - Initial Coin Offering, ito ang pinaka popular na ginagamit ng mga bagong proyekto para maka likom ng pera.. Noon kasagsagan ng taong 2017, napaka raming proyekto ang dito ay kumita at naka pagpatayo ng kanilang companya gamit ang perang kanilang nakolekta, ngunit sa hindi inaasan pangyayari sa sumunod na taon ay bigla itong nanghina at halos bumagsak, maraming investors ang umayaw at lumayo.
Sa paghahanap ng panibagong pamamaraan para maka likom ng pera, lumitaw ang paraan IEO, ( initial exchange offering ) una itong inilunsad sa binance kung saan naitala ang pinaka maiksing panahon sa pagkuha ng cap ng proyekto. sinasabing sa loob ng 15 minutes na kamit ng nagbenta ang kanilang softcap...
marahil ito na ang magiging pamamaraan ng mga bagong proyekto sa pag lunsad ng kanilang companya.
Para sa akin, ang patuloy na paglago ng bilang ng mga scams ang naging dahilan kung bakit bumagsak ang ICO. Marahil ang tagal na din sa pag abot ng cap ng proyekto ang isa din sa dahilan kung bakit marami ang tumalikod sa pagsuporta dito. Ang IEO ang naging mas tanyag at epektibong paraan upang mapakilala ang mga katiwa-tiwalang Exchanges sa market ngayon at maging sa hinaharap ay magiging ganito na ang lagay dito sa crypto world habang patuloy na namamatay ang presensya ng mga ICO.