Una sa lahat gusto ko lang makatulong sa mga kababayan ko na nahihirapan sa English Language, hindi ko kayo masisisi dahil sadyang mahirap ang lenguahe nato lalo na kung wala kang masyadong alam sa pag construct ng mga sentence o yung tinatawag nilang Grammar.
natatandaan mo paba nung nag-aaral kapa palagi kang absent minded sa klase? wag kang mag-alala pareho tayo. kaya laging tandaan nasa huli ang pagsisisi.
Ngayon isheshare ko sa inyo ang mga nahanap kong paraan upang mapadali sa atin ang pagaaral ng English Language,
at dapat din maging masipag tayo sa pagbabasa at pag translate ng mga english word na bago sa ating pandinig ng sa ganon madali natin itong maintindihan habang nandito tayo sa forum.
Narito ang mga resources upang madali tayong matuto:
1. Reading o PagbasaIto na yata ang pinakamadali sa lahat kung magaling kanang magbasa madali na sayo ang mga susunod na instruction,
dito sa site na ito ay may maraming resources patungkol sa Reading, dito mapapadali ang iyong paghusay sa pagbasa dahil meron silang
25 comprehension level, magsimula ka muna sa elementary tapos Pre-Intermediate pagmadali na sayo magproceed kana hanggang sa dulo.
Reading Exercises
2. Writing o PagsusulatSa Pagsusulat naman ay hindi na bago sa inyo to, pero ang ituturo sa inyo dito kung pano nyo sasagutin ng tama ang mga mensahe o katanungan base sa halimbawa na bigay sa inyo ng Bot. meron din itong levels na kung saan ay magsimula ka muna sa ibaba hanggang kung kaya monang higitan ang kaalaman mo tsaka ka mag proceed.
Writing
3. Speaking o Pagsasalitabase na rin sa nabasa ko ang mainam na gawin mo ay e record mo ang sarili mong pagsasalita para narin kung meron ka mang mali na sa tingin mo ay dapat itama, maitatama mo ito ng madali dahil ikaw ang nakakaalam sa sarili mo at ang pag rerecord mo ng salita ay mapapadali nito ang pag memorize mo ng mga English words dahil na rin sa madalas mo itong naririnig sa pamamagitan ng boses mo. gumamit kanalang ng Cellphone sa pagrerecord wala na yatang cassete ngayon.
4. Listening Gaya ng sinabi ko isa ang pakikinig ng Audio sa maaaring ikahusay mo sa pagsalita ng English Language at lalo na kung ang pinakikinggan mo ang mga native speaker nito saibibigay kong site dito maririnig mo kung pano ang tamang pagbigkas ng mga words at sa pagbigkas nila ng mga words gayahin mo ito saa iyong pagbabasa at pagrerecord.
Listening
5. GrammarIsa sa mga importante sa lahat ng mga lenguahe ang pag aaral ng grammar nito, pag na master mo na ito mapapadali na sayo ang pagbigkas o pagsalita ng English, dito naman sa site nato maraming mga paraan ang iyong mapakikinabangan upang mapadali sayo kung papaano ang pagconstruct na isang sentence gamit ang mga natutunan mo.
Grammar
6. Pronunciation o Pagbigkas
Sa pag Pronunce naman ng mga words, upang malaman mo na ang mga words ay nabibigkas mo ng tama gumamit ka ng Apps tulad ng "Speak English Pro: American Pronunciation" tapos magsalita ka ng magsalita ng mga english words mas mainam na Lyrics ng kanta o kahit ano, ikaw ang bahala. kung meron mang words na hindi naiintindihan ng Apps, bigkasin mo ito ng paulit2x hanggang sa ito ay tumugma, gayun paman meron mga apps na hindi perpekto kahit na tama na ang iyong pagbigkas. pero mabuti na rin ang gumamit ka ng Apps kaysa sa nagpapachamba ka.
7. Vocabulary Ang pagmemorise mo ng mga vocabulary ay isang magandang paraan para ikaw ay gumaling sa pagsasalita ng English, maniwala ka sa akin marami pa kayang mga words ang hindi natin alam ang ibig sabihin, kung magagamit mo ang mga ito sa pag rereply mo dito sa mga thread?
mapagkakamalan ka ng Amerikano ang hindi nila alam marami kalang na memorize na mga vocabolary. sa ibibigay kong site, Quiz ito na may magandang katanungan upang mapadali sayo ang pag memorize mo.
Vocabulary
8. Exam o PagsusulitDito naman pagkatapos ng lahat ng natutunan mo ay pwede kanang sumubok sa mga Pagsusulit na kung saan malalaman mo kung hanggang saan na ang naabot mong Levels, pwede mo itong ulit ulitin hanggang sa ikaw ay mahinog at tuluyan ng maging amerikano, Joke lang po
.
Exam
Ang lahat ng mga sinabi ko dito ay pawang mga payo lamang kung gusto nating matuto, kung meron man akong nasabi na hindi tama pag pasensyahan nyo na po tao lang nagkakamali, hindi rin po ako ganon kagaling sa pag sasalita ng English mas magaling pa po yata kayo sa akin.
nais ko po lamang makatulong ng sa ganon hindi tayo parating ina Understimate ng mga ibang lahi dahil sa ating pagsasalita ng English. ipakita natin sa kanila na hindi tayo ganon ka bobo gaya ng inaakala nila. wag natin mamadaliin ang pagaaral nito bagkos maglaan tayo ng panahon upang maging mahusay tayo sa ating pagsasalita ng English. Yun lang po!