Bitcoin Forum
November 05, 2024, 07:49:50 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 28.0 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1] 2 »  All
  Print  
Author Topic: [TUTORIAL] Send Bitcoin to Multiple Addresses in One Transaction Only  (Read 558 times)
GreatArkansas (OP)
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2492
Merit: 1394



View Profile WWW
April 26, 2019, 08:21:57 AM
Last edit: October 18, 2019, 09:39:48 PM by GreatArkansas
Merited by chaser15 (3), crwth (2), mk4 (2), yazher (2), nutildah (1), harizen (1), goinmerry (1), ice18 (1), sheenshane (1), Maus0728 (1), zenrol28 (1)
 #1

Alam mo ba na pwede ka makapag send ng Bitcoin galing sa iyong wallet papunta sa madaming iba't ibang wallet sa iisang transaction lang?
Ibig sabihin, isang transaction lang ang gagawin mo at isang transaction fee lang ang babayaran mo.

Advantage ng pag gamit ng ganito?
-Less transaction fee
-Less hassle

Halimbawa:
May lima kang kaibigan na gustong magsimula gumamit ng Bitcoin at gusto mo sila bigyan ng unang Bitcoin nila.


(Pawang mga kathang isip lamang ang mga ginamit na mga karakter sa larawan)

Mangyayari ay isang transaction lang ang gagawin mo, di mo na iisa-isahin mag send.
Mas makaka tipid ka na sa fee at less hassle, dahil iisang transaction lang gagawin mo. Gets?

Tutorial:
Dahil alam mo na kung pano ito gumana, tuloy tayo kung pano ito gawin sa iyong wallet.
Note: Hindi lahat ng wallet ay pwede sa ganito, ang alam ko lang sa ngayon na pwede ay ang Electrum, Bitcoin Core, Trezor, at Armory bitcoin wallets.

Index:
Electrum Wallet
Trezor Wallet
Bitcoin Core Wallet

Sa Electrum deskop wallet:

Pagka bukas mo ng Electrum Desktop wallet mo, Tools>Pay to many
Step 1:

ito makikita mo at sundan lang yung nasa picture.

Step 2:

  • 1st
    Ilalagay mo mga BTC address sa Pay to na field mga papadalhan mo ng Bitcoin.
    Next line lang pag dadagdag ka ng bagong address. Make sure may comma ( , ) ito after ng address para sa amount na gusto mo e send.
    <wallet address>,<amount>
    Ex.
    12Dnrcd5vjnSYCBy2E3xdzhbVv1P2vy1eS,0.01
    15HqMP4KRM93Bs23Lf9THt7uWZfQrymrFp,0.01
  • 2nd
    *Optional
    Description lng ito about sa transaction mo sa Electrum wallet mo, di ito makikita public.
  • 3rd
    Fee: Ikaw mag dedecide kung ilang fee ang gagamitin mo, sa electrum nag su-suggest siya kung ilan ba minimum or maximum. Pag gusto mo mabilis ma send, go ka sa pinakamataas, pwede ma adjust yan.
  • 4th
    Send.
    Bago ka mag send:
    Always double check yung mga nilagay mo na address kasi baka mali or may kulang ka, or mali yung amount na nailagay mo.
  • Import CSV file.
    Pwede ka gumamit ng Comma-Separated Values (CSV) file pag import ng mga addresses with amount na gusto mong e send dito.
    Pwede ka gumamit ng Microsoft Excel para dito, save mo lang as CSV file.

    Column A: Wallet address
    Column B: Amount na gusto mo e send.

DONE! Easy as 1,2,3.


Sa Trezor Wallet:

Halos pareho lang ang process ng pag send sa iba't ibang wallet.

Step 1:
Connect mo Trezor mo at pasok ka sa dashboard ng wallet mo.
At punta ka sa Send na tab.

  • 1st
    Click Send tab.
  • 2nd
    Add recipient:
    Dito mo na e aaddd ung mga address na pag sesendan mo.
    Pwede ka din dito mag import ng CSV file.
  • 3rd
    Fee:
    Select ka ng desired fee mo, mas mataas mas mabilis e confirm ang transaction mo.
  • 4th
    Send na!
    Always double check your entry! Make sure tama mga nilagay mo.
Tapos na! Easy as A,B,C! Mas madali sa Trezor kompara sa Electrum.


Sa Bitcoin Core Wallet:
Open and connect ka sa Bitcoin Core Wallet.

Then go ka sa Send tab


After that, you can fill na ang mga fields na required: bitcoin address, amount, etc.


Makikita mo sa arrow na green, pag gusto mo pa dumagdag ng mga receipents just click "Add Recipient".
Tapos dagdag lang yan another field, makikita mo sa square box na green.

Done!


Eto ang example na transaction gamit ang pag send sa iba't ibang address:
 

https://blockchain.info/tx/2d1b444fe63159032cc03bbb01e623bfc08d08bfa387d028fc6310a0bb96ccbd


May alam ka pa ba na ibang wallet na pwede mag send ng bitcoin to multiple addresses? share and post it below!

Sharing is caring ♥

P.S. : Ang mga nagamit na mga bitcoin addresses para sa mga example ay hindi ko pag mamay-ari.

Sources:
Re: How to send a transaction to multiple addresses? -BitMaxz
Re: How to send a transaction to multiple addresses? -LoyceV
sheenshane
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2492
Merit: 1232



View Profile WWW
April 26, 2019, 11:27:59 AM
 #2

Very informative mate, I think ito yung ginagamit ng mga Campaign Managers para mas madali ang pag send ng BTCitcoin to their participants. I am just curious about the time of receiving, lahat ba sila at the same time darating yung btc nila to the designated wallet?
goinmerry
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2940
Merit: 1083


View Profile
April 26, 2019, 11:47:33 PM
 #3

Very informative mate, I think ito yung ginagamit ng mga Campaign Managers para mas madali ang pag send ng BTCitcoin to their participants. I am just curious about the time of receiving, lahat ba sila at the same time darating yung btc nila to the designated wallet?

Maybe much appropriate gamitin ang term na Confirmation Time.

Yes it is.
GreatArkansas (OP)
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2492
Merit: 1394



View Profile WWW
April 27, 2019, 12:25:04 AM
 #4

Very informative mate, I think ito yung ginagamit ng mga Campaign Managers para mas madali ang pag send ng BTCitcoin to their participants. I am just curious about the time of receiving, lahat ba sila at the same time darating yung btc nila to the designated wallet?
Oo, yung ibang mga campaign managers, ito yung gamit pag by batch sila nagbabayad sa mga hunters. Talagang the best ito para dun.

Yes, sabay dadating yung bitcoin sa mga wallet since nasa iisang transaction lang sila.
GreatArkansas (OP)
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2492
Merit: 1394



View Profile WWW
April 30, 2019, 02:15:04 AM
 #5

~~~~~Check mo sa dulo ng OP~~~~~
Baka may gumagamit ng Bitcoin Core wallet sa atin.

Kakadagdag ko lang another tutorial para sa Bitcoin Core Wallet. Makikita mo ito sa pinakadulo ng OP.  Wink
GreatArkansas (OP)
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2492
Merit: 1394



View Profile WWW
May 03, 2019, 01:30:11 PM
 #6

Sino pa may ibang alam na wallet jan na pwede maka pag send ng bitcoin to multiple addresses sa iisang transaction lang? feel free to share.
bitcoin31
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 1834
Merit: 523


View Profile
May 03, 2019, 03:16:27 PM
 #7

Usually ang gumagamit nito ay ang mga campaign manager lalo na kapag magpapayout na ang mga kalahok sa isang campaign.  Noong una rin curious ako kung papaano magsend ng bitcoin at ibat ibang wallet sa isang bagsakan pero dahil sa research last year nalaman ko na rin. Sa ngayon hindi natin magagamit ito pero balang araw magagamit na natin ito lalo na kung sa business ito gagamitin or sa projects.
ice18
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 2492
Merit: 542



View Profile
May 03, 2019, 03:58:26 PM
 #8

Mabuti at naishare mo to dito ang alam ko lang is input lahat mismo sa electrum wallet ganyan pala pag naka csv file na mas madali kung nakaganyan mabilis lang edit ska replace kung kilangan ito nga ang ginagamit nila para magsend sa mga paricipants na bitcoin ang bayad kasi dati napapansin ko mababa lang ang fee pero andaming transactions nasa 100+ sabay sabay na darating sa bawat participants.
efrenbilantok
Member
**
Offline Offline

Activity: 577
Merit: 39


View Profile
May 04, 2019, 01:41:38 PM
 #9

Nakakatuwa to dahil eto yung iniisip ko kahapon lang kung paano mag send coin sa multiple address sa iisang transaction tas nakita ko ito, salamat po sa pagshare ng nito ang creative din nung drawing ang cute mas madali maintindihan kung ano ibigsabihin ng topic. keep it up po  Grin
crzy
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 2128
Merit: 180


View Profile
May 04, 2019, 01:52:12 PM
 #10

Nice tutorial honestly I don't know about this one since I don't have an electrum wallet and I think this is not possible on coins.ph.
Thanks for sharing this one, and I might start to use electrum wallet now which I think a more convenient way if you are transacting with many groups. Sana marami pang tutorials na katulad nito na sobrang helpful kase I know naman na hinde lahat ng tao dito ay alam ang lahat ng bagay.
GreatArkansas (OP)
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2492
Merit: 1394



View Profile WWW
May 09, 2019, 02:17:25 AM
 #11

Usually ang gumagamit nito ay ang mga campaign manager lalo na kapag magpapayout na ang mga kalahok sa isang campaign. 
Yep, to save more transaction fee pag nag papa sahod na sila, lalo na yung madadaming participants sa isang campaign.

Mabuti at naishare mo to dito ang alam ko lang is input lahat mismo sa electrum wallet ganyan pala pag naka csv file na mas madali kung nakaganyan mabilis lang edit ska replace kung kilangan ito nga ang ginagamit nila para magsend sa mga paricipants na bitcoin ang bayad kasi dati napapansin ko mababa lang ang fee pero andaming transactions nasa 100+ sabay sabay na darating sa bawat participants.
Yes, I tried na gumawa ng csv file sa microsoft excel at napagadali ito gamitin, at mas safe gamitin ang csv file pag madamihan para iwas typo kompara dun ka talaga sa electrum mag mamano mano mag paste at lagay ng mga amount..

Nice tutorial honestly I don't know about this one since I don't have an electrum wallet and I think this is not possible on coins.ph.
Hoping that will be available soon sa coins ph or any other centralized wallet/exchange, para naman makatipid tayo sa fee sa pag send at makakatulong sa bitcoin network para less transaction ang nagagawa.
GreatArkansas (OP)
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2492
Merit: 1394



View Profile WWW
June 15, 2019, 08:28:10 AM
 #12

Sana meron ding ganito na way para sa mga centralized na wallet like ng Coins.ph or Coinbase.
Question123
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 1624
Merit: 267


View Profile
June 16, 2019, 04:10:44 AM
 #13

Sana meron ding ganito na way para sa mga centralized na wallet like ng Coins.ph or Coinbase.
Oo nga sana mayroong ganitong uri ng transaction sa coins.ph para makatipid naman tayo minsan din kasi may iba pa akong transaction kaya napapamahal ako kapag ginagawa ko isa isa. Pero perfect ito sa mga may campaign dahil makakatipid sila ng transaction fee dahil isang bes ka lang magbabayad ng fee. Siguro pwede natin isuggest sa coins.ph na ganito ang gawin nila..
spadormie
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 840
Merit: 268



View Profile
June 16, 2019, 06:20:33 PM
 #14

Oo nga sana mayroong ganitong uri ng transaction sa coins.ph para makatipid naman tayo minsan din kasi may iba pa akong transaction kaya napapamahal ako kapag ginagawa ko isa isa. Pero perfect ito sa mga may campaign dahil makakatipid sila ng transaction fee dahil isang bes ka lang magbabayad ng fee. Siguro pwede natin isuggest sa coins.ph na ganito ang gawin nila..
For now, gumamit muna tayo ng wallet na pwedeng magsend to multiple addresses with one TX. Walang ganun sa coins eh, yung priv key nga natin di tayo yung may hawak eh. About naman dun sa campaigns, iisang transaction lang ang ginagawa nila. Katulad ng mga payment ni Hhampuz sa mga campaigns nya.
GreatArkansas (OP)
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2492
Merit: 1394



View Profile WWW
July 28, 2019, 12:11:59 PM
 #15

Sana meron ding ganito na way para sa mga centralized na wallet like ng Coins.ph or Coinbase.
Pero perfect ito sa mga may campaign dahil makakatipid sila ng transaction fee dahil isang bes ka lang magbabayad ng fee. Siguro pwede natin isuggest sa coins.ph na ganito ang gawin nila..
Nakita ko na din ito ginagamit ng mga ibang exchanges, yung by batch pag send ng withdrawal ng mga user nila, gaya sa Bitmex, may particular na oras lang sila nagsesend ng mga withdrawals ng users nila, 9PM Philippine Time yung sa ngayon, I also appreciate yung ganun, kahit di instant ang withdrawal pero makakatulong ng kaunti sa Bitcoin Network, di makakadagdag ng traffic sa Bitcoin Network kasi pag iisa-isahin, madaming transactions ang magagawa at medyo masakit sa bulsa ang fee.
micko09
Member
**
Offline Offline

Activity: 336
Merit: 24


View Profile
July 31, 2019, 05:16:58 AM
 #16

pwede pala un parang chat message lang na nag send ka sa group chat, siguro yan ung ginagawa ng mga nasa ICO pag payout day sa campaign na para madistribute ng mabilis ng token, tama nga naman kasi pag madami ung participant at lahat un my transaction fee , malaki laki din ang magagastos sa fees palang.
meanwords
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 1624
Merit: 163


View Profile
August 02, 2019, 04:28:08 AM
 #17

May tanong lang ako. Hindi ba ito makaka apekto ng transaction speed? Kasi since maraming wallet ang pag-sesendan niya, hindi ba ito mas mabigat sa mga miners?. Hindi ako masyadong pamilyar dito pero gusto ko lang malaman kung kasing bilis parin ba ito ng pag-sesend sa isang wallet lang.
Dreamchaser21
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 686
Merit: 108



View Profile
August 02, 2019, 04:38:03 AM
 #18

May tanong lang ako. Hindi ba ito makaka apekto ng transaction speed? Kasi since maraming wallet ang pag-sesendan niya, hindi ba ito mas mabigat sa mga miners?. Hindi ako masyadong pamilyar dito pero gusto ko lang malaman kung kasing bilis parin ba ito ng pag-sesend sa isang wallet lang.
Almost same speed lang naman den, since naeexperience ko naman ito once na magbayad na yung signature campaign. Dipende paren kase sa fees na babayaran mo ang speed ng transactions mo, ok ito sa miners kase morw blocks to solve meaning more money for them.
GreatArkansas (OP)
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2492
Merit: 1394



View Profile WWW
August 03, 2019, 10:29:48 AM
 #19

May tanong lang ako. Hindi ba ito makaka apekto ng transaction speed? Kasi since maraming wallet ang pag-sesendan niya, hindi ba ito mas mabigat sa mga miners?
Ang pagkakaalam ko lalaki kunti ang babayaran mo na fees pag multiple addresses, tapos naka based din yung fees sa total inputs at outputs mo.
Tapos yung pag sesendan mo din na bitcoin addresses, mas mababa ang fees pag ang gamit ng reciever na bitcoin address ay yung segwet (ibang address na nag sstart sa "3")  or yung bech32 addressses (nag sstart sa "bc1").
Pero overall sobrang tipid pag gnito gagawin mo kesa iisa isahin mo pag send sa iba't ibang addresses.
bisdak40
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 2464
Merit: 560


DGbet.fun - Crypto Sportsbook


View Profile
August 03, 2019, 11:57:55 AM
 #20

May tanong lang ako. Hindi ba ito makaka apekto ng transaction speed? Kasi since maraming wallet ang pag-sesendan niya, hindi ba ito mas mabigat sa mga miners?
Ang pagkakaalam ko lalaki kunti ang babayaran mo na fees pag multiple addresses, tapos naka based din yung fees sa total inputs at outputs mo.
Tapos yung pag sesendan mo din na bitcoin addresses, mas mababa ang fees pag ang gamit ng reciever na bitcoin address ay yung segwet (ibang address na nag sstart sa "3")  or yung bech32 addressses (nag sstart sa "bc1").
Pero overall sobrang tipid pag gnito gagawin mo kesa iisa isahin mo pag send sa iba't ibang addresses.
@GreatArkansas, normal ba ito na almost $4 ang transaction fee kapag nagpadala ako ng BTC from my wallet to exchanges? Masyado kasing mahal, baka may paraan para mapababa yon.
Pages: [1] 2 »  All
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!