Kinomvert ko lang ang crypto ko. Nung nag bull market, bumili ako panibagong washing machine, cellphone, at bagong parte sa PC ko, Talagang malaking tulong sa akin nun at may sobrang crypto pa ako nun malaking halaga din kaya lang dahil sa greediness naging kalahati na ang presyo ng mga crypto ko na inihold, malaking nawala din sakin sayang.
Good for you. I think lahat ng mga tao na nakapag profit ay bumili ng kanilang mga gusto sa buhay. Lalo na mga necessities katulad ng washing machine. Congrats haha. Pero yun, sana lesson learned din sa pagiging greedy.
Malaki na rin ang kinita ko na bitcoin at iba pang crypto pero ni isa wala pa akong nabibili gamit ang mga btc or any crypto since wala ako makitang store na nag aacept ng btc when it comes to appliances or clothing sana kasi yan lang naman ang madalas kong bilhin pag medyo maganda ang kita pero yung mga nabili ko gamit ang cash na galing sa bitcoin medyo marami naman, nakapagbakasyon den sa kung saan like baguio, resorts etc.. pinaka memorable yung pinaremodel ko yung house namin last year worth 200k php from only one bounty hehe nagpapasalamat nga ako before magbear market napagawa ko na house namin and fully furnished na rin from bitcoin.
FYI, nagamit ko ang bitcoin ko sa fancy.com (not affliated with it, nakita ko lang nag aaccept sila ng crypto). I think you can utilize your Bitcoin using Gcash or any other method na sa tingin mo ay working. Probably if you have a credit card, you could try to buy it with your card and then just pay using coins.ph pay bills.
Wow! From one bounty?? Grabe naman yan sir, sobrang swerte mo naman sa mga ganyan. Ang laking bagay na nun.
Laptop yung pinakamahal na nabili ko gamit ang kinita ko sa BTC, though hinde sya direct btc to laptop I just convert it para mas mabilis akong makabili. Super saya ko that time since first time ko magkakalaptop and sobrang laking tulong nya sa school works and syempre sa work ko dito sa forum, that time I think bitcoin is around $4500 so kung magcocompute ako ang laki ren ng nagastos ko sa laptop ko.
Ang grabe pa nun, nung nag ATH si Bitcoin, parang nakakahinayang yung mga ginamit mo na BTC pang bili pero wala na eh, nabili na. Haha.
hindi ko nabili with crypto but funded by crypto, ang pinaka mahal ko na bili ay cellphone, at pinaka mahal na binayad ko ay minecraft premium through g2a since nag a-accept sila ng bitcoin, sayang yung 1000$ worth of bitcoins ko noob wala pang bullrun noon nasayang lahat dahil sa gambling.
Sinusubukan ko na nga na wag mag gamble kasi hindi naman maganda yun para sa atin. Siguro pag nananalo lang pero alam niyo naman na "The House always Wins" lalo na kung tuloy tuloy ka diba?
Ang pinakamahal na nabili ko gamit ang crypto ay sasakyan, pero hindi rin nag tagal ibinenta ko ulit ang sasakyan na nabili ko. Hahaha yun yung time na down talaga ang market kaya napilitan nalang akong ibenta yung sasakyan ko. Hehe
Sasakyan?? Ilang BTC nagamit mo dun sir? Bakit mo naman binenta ulit kung nabili mo naman na? Hindi ko magets eh. Sayang.