Bitcoin Forum
May 02, 2024, 07:55:03 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 27.0 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1] 2 »  All
  Print  
Author Topic: [GUIDE] Sampung Paraan para maging Mabuting Membro ng Forum  (Read 445 times)
GreatArkansas (OP)
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2296
Merit: 1345


Buy/Sell crypto at BestChange


View Profile WWW
May 07, 2019, 03:02:08 AM
Last edit: June 07, 2019, 03:16:06 AM by GreatArkansas
Merited by nutildah (2), yazher (1), Maus0728 (1), cabalism13 (1), Insanity (1)
 #1

Sampung Paraan para maging Mabuting Membro ng Forum

Gusto ko lang e share ito sa dito sa local board natin para naman maging aware tayo at maging responsable na member sa forum. Kahit hindi ito official sana makakatulong parin ito. Ang pagiging responableng membro ng forum ay nagsisimula sa ating mga sarili, dapat alamin natin ang mga dapat at di dapat na ginagawa o nakakasira sa forum.

  • Pinakauna ay basahin muna natin ang rules (unofficial)ng forum, lalo na sa mga baguhan sa forum, makakatulong ito para gabayan ka bago ka mag post. Madami ibang membro na di nag basa ng rules(unofficial) ng forum at nagtataka kung bakit na dedelete ang mga posts nila o narereport sila sa mga moderator.

  • Iwasang makipag away. Dito sa forum natin ay may iba't-ibang member na taga ibang bansa, hindi lang pinoy. Kailangan natin intindihin mga opinyon nila kung yun ang paniniwala nila, kailangan natin respituhin ito. Ang pakikipag away in public ay pangit tingnan, mas makakabuti ito kapag pag usapan ng kalmado o pag usapan in private.

  • Iwasan ang pag spam. Ito ang isa sa mga problema ng forum, dahil ang iba ay gumagawa na lang ng walang kabulohang posts para lang tumaas agad ang kanilang rank o para sa kanilang signature campaign, salamat sa merit system, nabawasan na ang mga spammers.

  • Lahat tayo nagkakamali. Pag may nakita kang post na sa palagay mo ay mali, mag post ng mahinahon at itama ang alam mong mali o magbigay ng mga dagdag impormasyon para maitama ito. Wag agad agad husgahan ang tao pag nagkamali, matuto tayong magtanong o lumagap ng mga importmasyon muna.

  • Gumawa ng mga makabulohang post. Maging responsabling membro at gumawa ng mga post na kapakipakinabang sa ibang membro o tumulong sa mga nangangailangan dito sa forum. Iwasan ang pag gawa ng mga walang kwenta o makabulohang post, kagaya ng pag post ng wala sa topic o hindi related sa pinaguusapan sa isang thread.

  • Matutong gumamit ng tamang grammar. Alam nating english ang pinaka major na linggwahing ginagamit dito sa forum, kaya medyo mahirap ito pag hindi tayo masyadong marunong pagdating sa english pero alam ko, ito ay natututonan. O pag ikaw naman ay dito lang sa local board natin active, matuto din tayo sa pag gamit ng ating linggwahe, gaya ng pag gawa ng wastong pangungusap o tamang mga pag gamit ng mga salita.

  • Wastong pag gamit ng mga tools sa forum. Madami iba't ibang tools na ginagamit dito sa forum, gaya ng search, pag may gusto kang hanapin na particular na topic pwede mo yan gamitin. Ang mga tools sa pag gawa ng thread or pag gawa ng post, gaya ng pag gamit ng quote. Mga halimbawa: Formatting tools

  • Pag intindi sa forum, gaya ng activity, rank o merit. Alam mo ba na may mga minimum na activity at merit bago tataas ang iyong rank? Lalo na kapag ikaw ay bagohan sa forum, magtataka ka kung bakit "newbie" ang iyong rank at may mga restriction ka. May mga dahilan yan, basahin ito FAQ: Everything you need to know about forum 'activity, account ranks and merit para mas maintindihan pa ang mga ito.

  • Mag aral at matuto. Itong forum na ito ay napakalaking tulong tungkol sa cryptocurrency, kaya naway magsilbi itong gamit upang matuto tayo sa mundo ng cryptocurrency at sa pagiging responsabling membro ng isang forum. Wag ito abusohin at patuloy tayo maging mabuting membro sa forum.

  • Matutong mag report. Ito ang isa sa pinaka mabuting gawin para mapanatili ang forum na malinis, malayo sa spam,scammer, mga low quality poster at iba pa. Sa bawat mga post sa forum ay may button na "report to moderator", pag alam mo na mali ang post niya or lumabas sa mga forum guidelines/rules, click mo lang ang button. Itong thread na ito ay makakatulong para malaman kung ano mga dapat mo e report o pag gamit sa report [Guide] Reporting effectively.



Naway may mga natutunan kayo sa pagbahagi ko ng kunting kaalaman, advice ko din na basahin itong thread na ito : [GUIDE] Bitcointalk forum etiquette para mas may matutunan pa tayo sa forum.
Kung may nalalaman ka pa na ibang paraan o karagdagan sa mga nabanggit ko, ibahagi mo lang ito.

Laging tatandaan na ay pagiging mabuti at responsableng membro ng forum ay nag uumpisa sa ating SARILI.
1714679703
Hero Member
*
Offline Offline

Posts: 1714679703

View Profile Personal Message (Offline)

Ignore
1714679703
Reply with quote  #2

1714679703
Report to moderator
Advertised sites are not endorsed by the Bitcoin Forum. They may be unsafe, untrustworthy, or illegal in your jurisdiction.
goaldigger
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 2352
Merit: 356



View Profile
May 08, 2019, 02:54:09 PM
 #2

Lahat ng nabanggit ay tama. Kailangan nting maging responsable sa lahat ng mga salitang ginagamit natin kabilang ang mga impormasyong ibinabahagi natin sa forum. Ito ay nakabubuti sa iyong reputasyon at maging reputasyon ng bansang kinabibilangan mo. Laging magbahagi ng makabuluhang bagay at sumunod sa rules. Kailangan natin ang isa't-isa sa forum kaya gawin ang lahat upang mapayaman ito.
Bttzed03
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2114
Merit: 1149


https://bitcoincleanup.com/


View Profile
May 08, 2019, 03:23:40 PM
 #3

Iwasang makipag away. Dito sa forum natin ay may iba't-ibang member na taga ibang bansa, hindi lang pinoy. Kailangan natin intindihin mga opinyon nila kung yun ang paniniwala nila, kailangan natin respituhin ito. Ang pakikipag away in public ay pangit tingnan, mas makakabuti ito kapag pag usapan ng kalmado o pag usapan in private.
Hindi maiiwasan magkasagutan minsan at lenient naman ang admin pagdating sa bagay na ito. Ang daming bangayan na nangyayari sa Meta.


Mag aral at matuto. Itong forum na ito ay napakalaking tulong tungkol sa cryptocurrency, kaya naway magsilbi itong gamit upang matuto tayo sa mundo ng cryptocurrency at sa pagiging responsabling membro ng isang forum. Wag ito abusohin at patuloy tayo maging mabuting membro sa forum.
Ito sa tingin ko pinaka-importante sa lahat. Marami ang pumapasok dito pero konti lang ang interesado magbasa at matuto.
Zurcermozz
Member
**
Offline Offline

Activity: 560
Merit: 16


View Profile
May 08, 2019, 03:37:54 PM
 #4

Agree on you paps, ito ang pinaka magandang hakbang para maging mabuting miyembro sa forum na ito. Dapat sa panahon ngayon hindi nalang puro kita at pera ang pinag uusapan, dapat matutuo din tayong gumalaw ang maging respeto sa kapwa tao na gusto rin makalikom.!
bhadz
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 2422
Merit: 564



View Profile WWW
May 08, 2019, 05:34:09 PM
 #5

Maging magalang o kaya pormal sa mga discussion. Hindi porket may nag-against sa opinion mo dapat mo na silang awayin. Yung iba kapag naging against yung iba sa kanila, tingin nila kaaway na nila agad at hindi sila open sa healthy discussion. Tama lahat ng nasa list.
Ito sa tingin ko pinaka-importante sa lahat. Marami ang pumapasok dito pero konti lang ang interesado magbasa at matuto.
Yung iba kasi na bagong miyembro ayaw magbasa at direkta agad yung tanong patungkol kung paano kumita.
Bttzed03
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2114
Merit: 1149


https://bitcoincleanup.com/


View Profile
May 08, 2019, 05:57:00 PM
 #6

- - -
Ito sa tingin ko pinaka-importante sa lahat. Marami ang pumapasok dito pero konti lang ang interesado magbasa at matuto.
Yung iba kasi na bagong miyembro ayaw magbasa at direkta agad yung tanong patungkol kung paano kumita.
Ganun nga talaga. Marami sa mga kasalukuyang myembro ang nakaalam o nakarinig sa forum na ito dahil sa mga campaigns kaya dun talaga sila naka-focus. Sa totoo lang, doon din ako nagsimula pero hindi ako kasing "junkie" ng mga nakikita ko ngayon.
bhadz
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 2422
Merit: 564



View Profile WWW
May 08, 2019, 06:26:39 PM
 #7

- - -
Ito sa tingin ko pinaka-importante sa lahat. Marami ang pumapasok dito pero konti lang ang interesado magbasa at matuto.
Yung iba kasi na bagong miyembro ayaw magbasa at direkta agad yung tanong patungkol kung paano kumita.
Ganun nga talaga. Marami sa mga kasalukuyang myembro ang nakaalam o nakarinig sa forum na ito dahil sa mga campaigns kaya dun talaga sila naka-focus. Sa totoo lang, doon din ako nagsimula pero hindi ako kasing "junkie" ng mga nakikita ko ngayon.
Knowledge muna talaga kahit sa pinakabasic lang kasi may mga napapansin ako sa mga discussions ngayon, kahit hindi nila alam yung topic nagre-reply parin kaya kahit off-topic na yung sagot nila pinipilit parin. Siguro pwede idagdag ito sa listahan, yung pagiging on-topic palagi sa discussion. Karamihan kasi dyan magtataka kung bakit iba yung sagot mo sa sinasabi ng iba at topic na nirereplyan. Tingin ko isang paraan na din yun para maging mabuting miyembro ng btt.
BossMacko
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 1134
Merit: 502



View Profile
May 09, 2019, 11:41:54 PM
 #8

Basta mga kababayan alam natin ang tama at mali sa totoomg buhay at sa loob ng forum na ito. Wag gagawa ng di kanais nais na magdudulot ng hindi maganda sa account naten. Maging responsable at itaguyod naten ang pinoy pride sa forum na ito. Ibat iba ang opinion ng tao kaya wag tayo makikipag away dahil magkaiba kayo ng pananaw. Wag rin sumubok na mang iscam ng kahit anong bagay o pera hindi maganda ang maidudulot nyan. Gamitin ang mga guide ni kabayan ng tayo ay madaan sa tuwid.
crzy
Full Member
***
Offline Offline

Activity: 2128
Merit: 180


View Profile
May 09, 2019, 11:54:13 PM
 #9

We really need to do good things dito sa forum kase at the end of the day tayo ren naman ang mag bebenefit nito. I believe you don’t have to be good in grammar as long as you know what you are saying, you don’t need to be perfect just the basic knowledge lang and for sure magiging successful ka dito sa forum.
yazher
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 2184
Merit: 585


You own the pen


View Profile
May 10, 2019, 03:49:24 AM
 #10

Kung pagtutuunan lang ng pansin ang lahat ng mga ito, magiging malinis at walang case ang local board natin sa mga dayuhan, napakalaking tulong talaga to para sa mga Newbie nating kababayan. dapat po talaga tayong matutosa mga alituntunin ng isang forum para hindi tayo makapagsimula ng problema at hindi na makadamay sa ating mga mabubuting kababayan. maraming salamat dito Tol. marami ka naman matutulungan baguhan.
darklus123
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 1246
Merit: 588


View Profile
May 10, 2019, 05:10:59 AM
 #11

Iwasang makipag away. Dito sa forum natin ay may iba't-ibang member na taga ibang bansa, hindi lang pinoy. Kailangan natin intindihin mga opinyon nila kung yun ang paniniwala nila, kailangan natin respituhin ito. Ang pakikipag away in public ay pangit tingnan, mas makakabuti ito kapag pag usapan ng kalmado o pag usapan in private.
Hindi maiiwasan magkasagutan minsan at lenient naman ang admin pagdating sa bagay na ito. Ang daming bangayan na nangyayari sa Meta.

Debate is healthy sa forum pero pag sinabi mo kasing ma away nag kakasakitan na kayo or may mga certain loses na nagain yung both parties kaya ganyan. Pero Tama ka you should stand for your "Opinion" and I always do.

We really need to do good things dito sa forum kase at the end of the day tayo ren naman ang mag bebenefit nito. I believe you don’t have to be good in grammar as long as you know what you are saying, you don’t need to be perfect just the basic knowledge lang and for sure magiging successful ka dito sa forum.

Sadly you have to, pano mo ipa iintindi sa iba ang point of view mo if malili grammar mo. Yes for now ok lng na hindi masyadong magaling pero as you get more experienced you also then eventually your grammar or thoughts about the crypto world is also getting better
lienfaye
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 2926
Merit: 629



View Profile
May 10, 2019, 11:34:49 AM
 #12

Matutong gumamit ng tamang grammar. Alam nating english ang pinaka major na linggwahing ginagamit dito sa forum, kaya medyo mahirap ito pag hindi tayo masyadong marunong pagdating sa english pero alam ko, ito ay natututonan. O pag ikaw naman ay dito lang sa local board natin active, matuto din tayo sa pag gamit ng ating linggwahe, gaya ng pag gawa ng wastong pangungusap o tamang mga pag gamit ng mga salita.
Sa una hindi naman kailangan na maging fluent ka sa pagsasalita ng ingles as long as naipaparating mo naman ng maayos ang gusto mo sabihin. Kaya lang syempre iba pa din kung tama ang grammar na ginagamit mo at may paraan naman para magkaron ng improvement, nandyan ang google at maraming available na free tutorial.

Kung talagang nahihirapan much better na mag stick na lang dito sa local board natin para maging komportable kang ipahayag ang nais mong sabihin.
Question123
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 1624
Merit: 267


View Profile
May 10, 2019, 12:15:23 PM
 #13

Ito ang isa sa dapat na sinusundan ng bawat isa lalo na ang mga bagong member dito sa forum. Pero ang mas magandang unang gawin talaga ay ang malaman ang rules dito sa forum ng bawat isa para malaman ang mga maaaring gawin at hindi maaaring gawin habang ikaw ay nandito sa forum. Magagamit natin ng lahat ang bawat information na nakalagay dito para maging mabuti tayong member dito.
efrenbilantok
Member
**
Offline Offline

Activity: 576
Merit: 39


View Profile
May 10, 2019, 04:34:40 PM
 #14

Ayos din magandang guideline din to para sa mga members maganda kung susundin natin lahat to dahil makabubuti ito para saatin bilang isang miyembro ng forum na ito at para maging maganda nag pagkakilala saatin,
sheenshane
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2394
Merit: 1215


Cashback 15%


View Profile WWW
May 10, 2019, 05:30:13 PM
 #15

Definitely well said OP, newbie and felling newbie must read this thread to know how to be a good member here in the forum, hindi yong puro nalang bounty reports ang laman ng post history mo which is nagiging toxic pa ang iyong account and possibly prone to ban or negative trust.

Iwasang makipag away.
Haha, this is very common I think especially in meta section or in reputation section, napansin ko doon mga DT's members and having reg tag members are usually having arguments.

4.Lahat tayo nagkakamali.
Yes, lahat tayo nagkakamali pero but there is one major case na once nagkamali ka dito ban ang account mo, ito ay ang plagiarism.(some users having a chance but majority totally banned)

6. Matutong gumamit ng tamang grammar.
This is a very isolated case pwedi ka rin ma red trust nito kapag naging nonsense na 'yong post mo dahil sa wrong grammar. I personally also studying now with this kind of advice.
bisdak40
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 2268
Merit: 547


View Profile
May 11, 2019, 01:17:04 AM
Merited by GreatArkansas (1)
 #16

  • Matutong gumamit ng tamang grammar. Alam nating english ang pinaka major na linggwahing ginagamit dito sa forum, kaya medyo mahirap ito pag hindi tayo masyadong marunong pagdating sa english pero alam ko, ito ay natututonan. O pag ikaw naman ay dito lang sa local board natin active, matuto din tayo sa pag gamit ng ating linggwahe, gaya ng pag gawa ng wastong pangungusap o tamang mga pag gamit ng mga salita.
Ang pagsasalita ng English ay paraan para makapag-communicate sa ibang lahi dito sa forum at alam naman natin na marami rin sa ating mga kababayan na hindi masyadong magaling pagdating doon, so i think we can be somewhat considerate as long as the thoughts is there because in the long run we will be able to improve that skill. English is just a medium of communication, hindi ito sukatan kung gaano kalawak ang iyong nalalaman sa isang particular na field. If you have something in mind just say it, foreign members will ask you if they have doubts on what you have said.

Ito ay opinyon ko lang at marahil ay magkasalungat tayo pagdating dito.

bhadz
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 2422
Merit: 564



View Profile WWW
May 11, 2019, 08:16:19 PM
 #17

4.Lahat tayo nagkakamali.
Yes, lahat tayo nagkakamali pero but there is one major case na once nagkamali ka dito ban ang account mo, ito ay ang plagiarism.(some users having a chance but majority totally banned)
Iwasan talaga yung pangongopya o kung mahilig ka man sa ganyan, maglagay ng credit naman kasi parang major crime na yan. Pagnanakaw ng gawa ng iba.
I believe you don’t have to be good in grammar as long as you know what you are saying, you don’t need to be perfect just the basic knowledge lang and for sure magiging successful ka dito sa forum.
Lagi namang may way para mag-improve at kung medyo naunawaan naman yung grammar, walang problema doon. Wag lang to the point na masyado ng parang kakaiba na yung grammar. Kaya tayong lahat nandito para matuto at tingin ko marami na rin yung nag-iimprove sa page-english nila.  Smiley
bitcoin31
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 1834
Merit: 523


View Profile
May 13, 2019, 11:08:27 AM
 #18

I believe kung susundin mo lang ang rules ng forum halos karamihan diyan nakalista ay magagawa mo ng maayos o masusunod. Ang iba na lamang ang iimprove mo katulad ng grammar sa pageenglish na kaya naman matutunan sa sariling pamamaraan lamang kaya dapat alam natin ang gagawin natin. Laging sumunod sa rules at tiyak akong wala kang magiging problema.
Insanity
Sr. Member
****
Offline Offline

Activity: 570
Merit: 250


Vave.com - Crypto Casino


View Profile
May 13, 2019, 02:30:25 PM
 #19

Mabuti ay may gumawa ng ganitong thread dahil na rin para saatin ito at sa pag improve natin lalo na kung susundin natin lahat ng nandito ay wala tayong magiging problema.
bhadz
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 2422
Merit: 564



View Profile WWW
May 13, 2019, 11:30:59 PM
 #20

I believe kung susundin mo lang ang rules ng forum halos karamihan diyan nakalista ay magagawa mo ng maayos o masusunod.
Meron kasi pagkatapos magregister, hindi na inaalam kung ano yung mga mahahalagang puntos na dapat tandaan lalong lalo na yung mga rules ng forum.
Ang iba na lamang ang iimprove mo katulad ng grammar sa pageenglish na kaya naman matutunan sa sariling pamamaraan lamang kaya dapat alam natin ang gagawin natin. Laging sumunod sa rules at tiyak akong wala kang magiging problema.
May mga suggestion na tungkol sa grammar tulad ng grammarly, libre pa.
Pages: [1] 2 »  All
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!