Pagdating sa pag trade ng ETH at ERC20 tokens, ang ForkDelta ay isa sa mga popular na decentralized exchanges ngayon. Gayunpaman, para sa mga baguhan mahirap itong intindihin lalo na yung mga nagsisimula palang. kaya narito ang Gabay upang malaman kung paano gamitin ang ForkDelta/EtherDelta.
Bago tayo pumunta sa Guide, meron munang mahalagang pagpapaliwanag tungkol sa pagkakaiba sa pagitan ng ForkDelta at EtherDelta dahil maaari itong makalilito sa mga hindi pamilyar sa kanila.
Ang ForkDelta ay isang open source fork ng EtherDelta na gumagamit pa rin ng parehong smart contract ngunit iba't ibang frontend interface. Pero ang backend nila ay pareho (at hindi lamang isang duplicate, ito ay literal ang parehong smart contract) habang ang site ay may konting pagkakaiba.
Ang ForkDelta/EtherDelta ay isang desentralisadong exchange na nagbibigay-daan upang i-trade ETH at iba pang mga ERC20 tokens. Bagama't hindi mataas ang trading volume nito, ang katanyagan nito ay mula sa pagiging ang unang listing ng ERC tokens post-ICO. ang resulta, ang ForkDelta na marahil ang may pinakamataas na bilang ng ERC20 tokens listed; higit sa 200.
Mag Import ng account sa ForkDelta/EtherDelta, Pag import gamit ang PrivateKeyOfficial Site ng Forkdelta at EtherdeltaStep 1
Step 2
Note: wag na wag mo itong ibibigay sa iba, ang Private key makukuha mo ito sa MyEtherWallet mo. sa view-wallet-info tapos i click mu yung Eye na icon lalabas ang private key mo tapos i copy mo lang:
Mag Trade ng Token sa ForkDelta/EtherDeltaStep 1
Pumunta ka sa
https://ethplorer.io/address/0xc2c384240366b209c75ef9b730fe136ce1789f6f at palitaan ang ETH address na yan ng gamit mong ETH address sa MyEtherWallet:
Step 2
Piliin ang Token na nais mong ibenta at pagkatapos i open in newtab mo ito:
Step 3
Pumunta ka sa ForkDelta or EtherDelta dipende kung saan nakalista ang token mo at hanapin ito, kung wala sa listahan i scroll mo lang hanggang mapunta ka sa Other na nasa pinakaibaba:
Step 4
Kung nasa listahan ay mag proceed ka na sa Step 5, kung wala i click mo yung other tapos pumunta ka sa na newtab mong token kanina sa step 2. Makikita mo dito sa box na merong (Address,Name,Decimals). sundan mo lang ang gabay sa larawan 1 2 3.
Step 5
tapos makikita mo dito ang tokens balance mo sa MyetherWallet No.1 at Forkdelta Balance mo sa No.2
I adjust mo muna ang Gas Price para hindi mataas ang babayaran mo sa transaction fee. tignan mo ang Tamang Gas Price sa
https://ethgasstation.info/ sundan mo lang ang makikita mo sa larawan.
Step 6
Bago mo ito maibenta kailangan mo muna i deposit ito sa Forkdelta, halimbawa: ang balance ng token na gusto kong ibenta ay 10,000,000 BTCC (BitcoinCrown), ito ang ilalagay ko sa deposit box.
tapos click mo lang ang deposit tapos maghintay ng sandali hanggang may lumabas na confirmation at i ok mo lang.
tapos maghihintay muli ng ilang minuto hanggang mapunta yung balance mo sa Forkdelta or pwede rin i reload mo ang page:
Step 7
Yung mga nakikita nyong numero sa may kanan yan yung mga Volumes ng token Kung gusto mong bumili i click mo yung pula, kung magbebenta ka naman i click mo yung green. since magbebenta tayo green ang i pipiliin ko. ang piliin natin yung nasa pinakamataas na green ang nasa taas yung ang may mataas na offer o mataas ang presyo.
Step 8
Ngayon ipapakita ko lang sa inyo kung halimbawa meron kang 10,000,000 BTCC ang kabuuang benta nito ay makikita sa larawan 1.410 convert to PHP = 13,023 Pesos. tapos kung ok kana dun i click mo lang yung ok.
Step 9
Pagka click mo ng OK may lalabas ulit na Transaction Confirmation Pag successful ang pag benta mo, maghintay ka lamang ng ilang minuto, hintayin mo mapunta ang ETH sa Forkdelta Balance mo.
Step 10
Kung nakita mo na napunta na ang balance mo sa ForkDelta maari mo na itong i withdraw sa MyEtherWallet mo. paano mag withdraw? sundan lang ang instruction sa image:
Una i click mo ang Withdraw:
Tapos ilagay mo sa box ang 1.410 na makikita sa larawan tapos i click mo ang Withdraw maghintay ka lamang ng ilang minuto, hintayin mo mapunta ang ETH sa MyEtherWallet mo:
Step 11
Kung napunta na ang ETH balance mo sa MyEtherWallet mo tulad ng makikita sa larawan 0.007 + 1.410 = 1.417 pwede mo ng i close ang ForkDelta/EtherDelta at pumunta ka na sa MyEtherWallet Mag log in ka muna tapos i send mo na rin ito sa Coins.ph.
Pag Send ng ETH Galing sa MyEtherWallet papuntang Coins.ph.Step 1
Buksan ang iyong MyEtherWallet i click ang Send Ether & Tokens
Step 2
Ilagay ang amount na i sesend mo sa Coins.ph magtira ka ng pang gas fee mo. Like for example meron kang 1.417, 1.410 lang ang i send mo para may pang gas fee ka sa susunod na mga transaction mo.
at tsaka wag mong kalimutan i adjust ang Gas price: tignan mo ang Tamang Gas Price sa
https://ethgasstation.info/Ilagay mo ang ETH address ng coins.ph mo tapos ilagay mo rin ang amount na i sesend mo 1.410. tapos i click mo lang ang send transaction tapos i click mo naman ang Yes! I am Sure to make this transaction.
Pagnagawa mo yan ng tama, pagkatapos ng ilang minuto mapupunta na yan sa Coins.ph balance mo.
Ang mga ito ay pawang halimbawa lamang kung paano ang paraan ng paggamit sa ForkDelta/EtherDelta. at siguraduhin mo muna bago mo gawin ito siguraduhin mo na nakalist na ang iyong tokens sa ForkDelta/EtherDelta dahil kung wala pa ito roon hindi mo pa ito mabebenta ang gabay na ito ay para lang sa mga tokens na nakalista doon. kung may katanungan at may mga hindi naintindihan i post nyo lang sasagutin yan ng mga kababayan natin at ako na rin.
Soure:
https://www.coingecko.com/buzz/complete-guide-to-using-forkdelta?locale=en